^

Pang Movies

Matteo at Sarah, pinanindigan ang pag-iwas   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Matteo at Sarah, pinanindigan ang pag-iwas            

Walang ieendorsong political candidate ang mag-asawang Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Ito ang opisyal na pahayag ng kanilang management, ang Viva Artists Agency (VAA).

Sa kanilang Instagram page ay naglabas ng official statement ang VAA last Friday para tuldukan na ang mga haka-haka sa kung sino ang ie-endorse na kandidato ng mag-asawa especially sa Presidential candidate.

May nagsasabi kasing may sinusuportahan silang partikular na kandidato.

Narito ang pahayag ng VAA:

“Contrary to rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli are not endorsing any political candidate for the upcoming elections.

“For updates and announcements, please only refer to verified and official social media accounts.”

Tony, natatakot nang magtiwala

Vindicated si Tony Labrusca matapos ma-dismiss nitong nakaraang Marso ang acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ng isang babae last year.

Ayon nga sa aktor sa mediacon ng bago niyang pelikula sa Viva na Breathe Again, talagang naka-breath again na siya or nakahinga nang maluwag matapos niyang manalo sa kaso.

“I mean, you know, it’s nice, kasi, wala naman akong ginawang masama, ‘di ba? Mabuti naman akong tao, pero na­ging problema ko siya. I didn’t ask for it, I didn’t choose it, but it happened to me. It sucks!

“So, I guess now, yeah, I’m grateful that I can breathe again. I wished that it didn’t have to happen in the first place but it is what it is,” he said.

Kung may natutunan daw siya sa mga nangyari, ito raw ay ang huwag masyadong magtiwala sa mga tao sa paligid. “Kailangan mong mag-ingat kasi may masasamang tao talaga diyan sa paligid mo. ‘Yung mga akala mong kaibigan mo… alam mo ‘yun? I thin, parang just always save some from yourself.

“Saka mag-ingat ka lang. Huwag ka lang masyadong magtiwala kasi may mga tao talaga na masama.

“Saka ano, when certain things happen in your life, it’s so easy to want to fight back, it’s often the easier choice to go down to you know, a dirty level. But when you just stay gracious and when you stay in you own lane and you take a higher road which is often very lonely, it’s a very painful road to take on your own.

“At the end it’s just so much more gratifying knowing that you kept your dignity in that and that you didn’t have to bring other people down.

Naniniwala rin si Tony na everything happens for a reason and kahit paano raw ay grateful din siya dahil marami siyang natutunan na lessons sa nangyari.

Wala raw siyang hatred sa mga taong gumawa sa kanya ng hindi maganda at hindi niya wini-wish ng masama ang mga ito.

Ngayong tapos na ang kaso ay back to work na si Tony at bida siya sa pelikulang Breathe Again with Ariella Arida and Ivan Padilla mula sa direksyon ni Raffy Francisco.

Ipapalabas na ito sa June 3, 2022 sa Vivamax.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with