^

Pang Movies

Tili nina Solenn at Nico, ngayon lang nabinyagan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Tili nina Solenn at Nico, ngayon lang nabinyagan

Ngayon pa lang bininyagan si Thylane Katana Bolzico o si Tili, ang anak nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff. Hindi lang nabanggit nina Solenn at Nico kung kailan at saan ang baptism ni Tili.

Sa TikTok ni Nico, nakasulat na caption ni Nico ang “After 2 years and 4 months...” at makikita sa video si Anne Curtis at ang anak nitong si Dahlia. Marami pang bisita sa binyag ni Tili, hindi mga taga-showbiz ang karamihan, kaya hindi natin kilala.

Barbie, nanggulat sa bikini pictorial

Ginulat ni Barbie Forteza ang mga kaibigan nang mag-post na naka-bikini. Tanong nga ni Ryan Eigenmann, ano raw nakain ni Barbie? Puro positive ang mababasang comments sa pagbi-bikini ni Barbie dahil misan lang niyang gawin.

May nag-comment na masuwerte raw si Jak Roberto na napahanga rin sa GF dahil nag-comment ng three fire emojis. Ang karamihan, napa-“wow” at napa-“pak” sa litrato ni Barbie.

Nakakatawa naman ang comment ng netizens na flawless all over si Barbie at pati kilikili nito, maputi at super kinis, kaya doble raw ang swerte ni Jak.

Nasa Bohol sina Barbie at Jak para sa advance anniversary celebration nila, they are celebrating five years of being a couple. 

Aga, may bagong pinagkakaabalahan

Bitin ang pagbabalita ni Aga Muhlach ng bago niyang project. Ang post lang nito sa kanyang IG story ay “Here in Baguio now. 1st shoot day of my 1st... we’ll announce soon!”

Hanggang doon lang ang post ni Aga at ang kasunod na post ay name card na nakasulat ang pangalan niya sa project na “Jimmy Boy.” May name card din ang pangalan nina Antoinette Jadaone at Dan Villegas na ang nakasulat ay “producer.” So, hindi si direk Antoinette o direk Dan ang director ng project na blind item ni Aga.

Ito yata ‘yung big project na binanggit ni Aga sa mediacon ng Masked Singer Pilipinas, ipinangako rin nito noon na i-a-announce rin niya sa right time kung anong project ito.

Masaya ang fans ni Aga sa balitang ito, lalo na ang last movie niyang Miracle in Cell No. 7.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with