^

Pang Movies

Miss U-Ph 2022 Celeste Cortesi at bf, hinuhulaang sa hiwalayan din ang ending

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Miss U-Ph 2022 Celeste Cortesi at bf, hinuhulaang sa hiwalayan din ang ending
Matthew at Celeste.

Ang salbahe ng ibang netizens, hinulaan at pinangunahan na magbi-break din sina Miss Universe Philippines Celeste Cortesi at boyfriend nitong si Matthew Custodio after ng coronation night ng Miss Unverse. Manalo at matalo raw si Celeste, magbi-break din ang dalawa gaya ng nangyari sa ibang beauty queens. 

Nangyari raw ito kina Miriam Quiambao, Catriona Gray, at ang pinaka-latest ay si Rabiya Mateo. Kaya, hindi pa man nangyayari, marami na ang nalulungkot lalo at nabasa nila ang heartwarming message ni Matthew sa GF.

Parte ng message ni Matthew ang sinabing “On a personal level, I feel very blessed to be loved by you. Like a mother’s love, your love is a constant reminder that there is a greater meaning & purpose in our lives. I cannot wait for our country & the whole world to feel the love you are about to share. It needs it.”

Ang sagot ni Celeste, “Awww i cried ahahah! Thank you boo, thank you for your support and patience. This is just the beginning.”

John Lapus, naiyak 

Nagbabalik-GMA 7 si John Lapus after 10 years dahil siya ang director ng sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Jose & Maria’s Bonggang Villa. Reunion din ito nina Marian at John na magkasama sa sitcom na Show Me Da Manny na bida sina Marian at Sen. Manny Pacquiao.

“It is such an honor, hindi lang ito malaking responsibility, malaking blessings ito na magkaroon ng work during pandemic. Ang daming director para ako ang mapili. Literally, naiyak ako. Answered prayers ito,” sabi ni direk  John.

Ayon pa kay direk John, tinanong lang siya ng APT Entertainment ng kanyang body of works at sinabi naman niya, kaya laking gulat niya nang sabihin sa kanya na siya ang magdidirek ng Jose & Maria’s Bonggang Villa.

Nagpasalamat si John kina Dingdong at Marian at sa APT Entertainment na ipinaglaban siya sa management ng GMA 7 na may resident directors, pero siya ang napili.

Winwyn, nilantad agad ang anak

Agad ipinakita ni Winwyn Marquez sa followers niya sa Instagram ang mukha ni Baby Luna. In fact, the day na isinilang ang baby, naka-post na agad ang photo nito sa IG at marami ng larawan si Baby Luna. Sa isa nitong picture, makikitang nakatawa ang baby na ikinatuwa ng netizens.

Naaliw lang kami sa comment na kamukha raw ni Alma Moreno si Baby Luna. May nagpaalala naman kay Winwyn na kagaya niya ang baby niya noong isilang siya na makapal ang buhok.

Ang hinihintay na lang ng followers ni Winwyn ay ang face reveal ng kanyang partner at ama ni Baby Luna.

Lala, ‘di ipinag-iingay na kandidata 

Kandidata rin pala sa Binibining Pilipinas ang anak ni Roi Vinzon at Sparkle GMA Artist talent na si Lala Vinzon. Number 18 sa  si Lala at hindi lang napansin na anak siya ni Roi dahil hindi “Vinzon” ang ginamit nitong apelyido. Saka, real name ang gamit niya sa contest na Ma. Isabela David.

Sa kanyang Instagram, ipinakilala ni Lala ang kanyang sarili, “It’s official! I’m Ma. Isabela David a.k.a Lala Vinzon your binibini 18.”

Hindi yata alam ng mga kasama ni Lala sa GMA 7 at sa Sparkle na official candidate siya dahil wala pa kaming nababasang nagko-congratulate sa kanya.

Hindi rin mahilig mag-post ng photos at magbalita ng activities ng Bb. Pilipinas at activities niya si Lala, hindi gaya ni Herlene “Hipon” Budol.

 

 

vuukle comment

CELESTE CORTESI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with