^

Pang Movies

Serena, engaged na sa American fiance

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Serena, engaged na sa American fiance
Serena at Thomas.

Naaalala pa ba ninyo ang dating child star, ang Fil-American na si Serena Dalrymple?

Ang award-winning child star na Bata, Bata, Paano Ka Ginawa ay 31 years old na at engaged na sa kanyang American fiancé na si Thomas Bredillet na kanyang nakilala sa isang dating app.

Si Serena along with her two other sisters na sina Sarah at Samantha Dalrymple ay pare-pareho nang wala nang mga magulang.

Limang taon pa lamang noon nang sumakabilang-buhay ang kanyang American dad na si Robert Lloyd Dalrymple, isang Scottish-American na dating military officer habang ang Filipina mother niyang si Wilma Billones ay sumunod five years after dahil naman sa pneumonia. Since mga bata pa silang magkakapatid, sila’y naiwan sa pangangalaga ng kanilang maternal uncle.

Taong 1997 nang gawin ni Serena ang isang TV commercial ng isang sikat na fastfood chain kung saan niya kasama ang matinee idol noon na si Aga Muhlach. Sumikat nang husto ang nasabing TV commercial na siyang naging daan ng kanyang pagpasok sa showbiz in 1998

Bukod sa pelikula ay nakagawa rin si Serena ng ilang TV series tulad ng Walang Hanggan, Eto Na Ang Susunod Na Kabanata at iba pa.

It was in 2004 nang magdesisyon si Serena na huminto sa kanyang showbiz career para bigyang daan ang kanyang pag-aaral sa De La Salle - College of Saint Benilde. Pero bumalik siya in 2008 and 2010 para gawin ang Ang Ta­nging Ina Ninyong Lahat at Ang Tanging Ina (Last Na ‘To).

Si Serena ay nagtapos ng Export Management sa College of Saint Benilde at pagkatapos nito ay nagtungo siya ng London kung saan niya kinuha ang kanyang master’s course sa Hult International University.

Back in the US, si Serena ay nagtrabaho bilang sourcing analyst ng Paramount Pictures sa Los Angeles, California. Ngayon ay isa siyang manager ng VIACOM.

vuukle comment

SERENA DALRYMPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with