^

Pang Movies

Bela, priority ang jowa kesa career!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bela, priority ang jowa kesa career!             

Mukhang mas nagi­ging priority na ni Bela Padilla sa kanyang lovelife. Kelan lang ay nag-celebrate ng birthday ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Bela ang ilang kilig photos nila ni Norman with matching birthday wish.

Sa London na naka-base si Bela at umuuwi lang siya ng Pilipinas para sa ilang commitments. Nilinaw ng aktres na hindi dahilan ang kanyang boyfriend kaya siya nagdesisyon na tumira na sa London.

“There are many reasons why I moved here. One of them is because I feel like the world stopped during pandemic and I have been looking for something new to do in my life. I feel like at this point, I will be more productive here. It just makes more sense for me to live here.”

Naisip ni Bela na tumira sa London kung saan nandoon ang kanyang pamilya. Sa United Kingdom kasi nakatira ang kanyang inang si Meg Carino at ang British father niyang si Cornello Sullivan.

Nakilala naman ni Bela ang boyfriend na si Norman noong nag-shoot siya ng pelikula sa Switzerland na Meet Me In St. Gallen noong 2017.

Direk Carlitos, nagretiro na sa paggawa ng pelikula

Tila nag-retire na raw sa paggawa ng pelikula si Direk Carlitos Siguion-Reyna. Unforgettable ang mga nagawa niyang mga pelikula sa ilalim ng Reyna Films tulad ng Hihintayin Kita Sa Langit, Saan Ka Man Naroroon?, Kung Mawawala Ka, Ikaw Pa Lang Ang Minahal, Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Tatlo Magkasalo, Ang Mga Lalake Sa Buhay Ni Selya, Kahapon Dalawang Bata at Abot-Kamay Ang Pangarap.

Paborito namin ay ang unang pelikula niya na Misis Mo, Misis Ko na pinalabas noong 1988 na bida sina Dina Bonnevie, Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, Ricky Davao at Jaclyn Jose.

Ang pag-arte na raw ang gustong gawin ni Direk Carlitos at misteryoso ang kanyang role sa GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy Sa Langit.

Nag-enjoy raw siya na maging artista lang for a change. Sumusunod na lang daw siya sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.

Si Direk Laurice raw ang nag-suggest na subukan si Direk Carlitos sa role na Edong. Naalala raw kasi ni Direk Laurice nang minsang mapanood siya sa isang stageplay si Direk Carlitos at mahusay ito. Kaya bagay raw rito ang gumanap na isang sinister character sa teleseryeng dinidirek niya.

Rihanna, ramdam ang presensya sa Met Gala

Hindi naka-attend si Rihanna sa naganap na Met Gala noong nakaraang May 2 dahil nasa ika-third trimester na siya ng kanyang pagbubuntis. Pero ramdam pa rin ang presence ng singer dahil sa virtual marble statue niya sa loob ng Metropolitan Museum of Art, ang venue ng gala.

Isang digital rendering ang marble statue ni Rihanna kung saan kasama ito sa Greco-Roman gallery ng Met. Makikita lang sa digital realm ang naturang virtual statue kung saan naka-pose ang singer hawak ang kanyang baby bump na naging cover ng Vogue.

Pinost ni Rihanna sa kanyang Instagram ang video ng kanyang virtual statue.

Naging star-studded ang Met Gala 2022 na ang theme ay Gilded Glamour na tungkol sa opulence, excess and fame. Inspired ang fashion sa mga TV series na Bridgerton, The Gilded Age at Downton Abbey. Ang naging hosts for this year ay mag-asawang Ryan Reynolds at Blake Lively, Oscar winner Regina King at Tony Award winner Lin-Manuel Miranda. Ang Vogue editor-in-chief Anna Wintour, designer Tom Ford at Adam Mosseri ang mga honorary chairman.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with