^

Pang Movies

3 pa sa batang nawawala nang maligo sa Taal lake, natagpuan na

Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubi­gang bahagi ng Barangay Looc, Balete, Batangas ang tatlo pang bata sa limang nawawala dahil sa insi­­dente ng pagkalunod sa lawa ng Taal, Batangas.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jaime Rose Ann Jacutan, 13; Kiel Zackary Pasaron, 10; Sherin Ashtrid Dela Rosa, 8; Kurtney Prian Presas, 8; at Rodney Mark Dela Rosa, 7, pawang mga residente ng Sitio Sto. Toribio, Brgy. Marauoy, Lipa City.

Unang nakuha ng Philippine Coast Guard ang mga labi nila Jacutan at Dela Rosa bandang alas-5:00 ng hapon noong Martes at kinabukasan alas-10:00 ng umaga ay nakuha ang labi ng tatlo pa.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nagtungo ang mga bata sa may lawa ng Taal na sakop ng Barangay Sala, bayan ng Balete bandang alas-12:30 ng tanghali para maligo.

Ilang saglit ay hindi na nakita ang mga biktima nang ito ay hanapin ng mga kaanak kaya’t agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang otoridad at mangingisda.

Ayon kay PCapt. Ricky Gonzales, hepe ng Balete PNP, mahigpit na ipinagbabawal ang paliligo sa nasabing lugar.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with