^

Pang Movies

Sweet, hawak ang Bonggang Villa...

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sweet, hawak ang Bonggang Villa...

Kumpleto na ang casting ng sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Nagkaroon na rin ng script reading sina Dong at Yan kasama ang ilan sa cast na sina Shamaine Buencamino at Pekto. Ang alam namin, kabilang din sa cast ang Sparkle loveteam nina Zonia Mejia at Jamir Zabarte.

Si John “Sweet” Lapus ang director ng sitcom na unang project together ng Royal Couple after a long time. Pumayag na rin ang mag-asawa na mag-taping on location.

Kahit araw-araw magkasama sa bahay, tawang-tawa si Yan sa pagsabak ni Dong sa sitcom na ngayon lang gagawin ng kanyang asawa.

“Naku, matatawa kayo kay Dong dahil sa hindi niya inakalang nakakatawa siya eh matatawa ka!,” bulalas ni Marian.

Sa May 14 ang premiere telecast ng Bonggang Villa.

Todo-Suporta...

Todo-suporta si Congressman Alfred Vargas sa kapatid na si konsehal PM Vargas na tumatakbo bilang kongresista sa District 5 ng Quezon City.

Eh nitong  nakaraang mga araw, nakatanggap ng package ang magkapatid sa headquarters nito na may laman na dalawang bala ng M-16 rifle, huh!

“Maliwanag na ang intensiyon ng nagpadala ay para takutin kami at ang aming pamilya,” saad ni Konsehal PM sa announcement nila ni Alfred sa nangyari sa kanila.

Ayon naman sa incumbent congressman na si Vargas, ilang beses na raw silang hinikayat na umatras at inalok ng milyong pera.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with