^

Pang Movies

VIVA at GMA, mahaba ang partnership!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Mahaba-haba na ang partnership ng Viva Films at GMA Pictures dahil selyado na ang collab nila sa bagong movies na ihahain nila sa publiko.

Nagkaroon ng contract signing kamakailan ang executives ng Viva Films at GMA Pictures.

Eh may movies na namang nag-collaborate ang dalawang major productions at sa katunayan, isa rito ang Bea Alonzo-Alden Richards movie.

Rason ng executives bukas na naman ang mga sinehan kaya magandang move ang pagsasama nila.

Resto ni Allan K, may kantahan na rin

Magkakaroon na ng stage sa resto ni Allan K. Preparasyon ito sa pagbabalik ng stand–up come­dians upang magbigay ng entertainment sa mga tao.

Ipinakita ni Allan sa kanyang Instagram ang stage sa Koban resto niya. Kukumpletuhin pa niya ang ilang gamit upang maging bonggang-bongga ito sa pagbabalik ng comedy bar niya.

Lubha ring naapektuhan ng pandemya ang dalawang comedy bars ni Allan pati na ang performers dito.

Ngayong unti-unti nang nagkakaroon ng nightlife ang mga tao, nagdesisyon si Allan na ibalik ito.

Ayon sa caption ni Allan, walang charge sa entrance sa gusto maging masaya sa pagpunta sa bago niyang comedy bar!

vuukle comment

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with