^

Pang Movies

Jodi, mas ‘inurot’ si Iwa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ano kaya ang masasabi ni Iwa Moto na sumabak na rin sa house-to-house campaign si Jodi Sta. Maria para ikampanya si VP Leni Robredo at Chel Diokno na tumatakbong senador sa line-up nina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan.

Ang nakita naming mga litrato ni Jodi, naka-t-shirt siyang may larawan at pangalan ni Chel at nakasuot ng sombrero na ang nakasulat ay “Let Leni Lead.” May mga litrato rin siyang nakikipag-usap sa mga tao at nakapag-picture taking sa volunteers ni Leni.

Sa Brgy. Tumana, Marikina City unang sumabak sa house-to-house campaign si Jodi. Walang kasamang ibang artista si Jodi sa kanyang house-to-house campaign, solo lang siya.

Maaalalang nag-post sa Instagram si Iwa na sana, hindi na lang isinapubliko ni Jodi ang suporta niya kay VP Leni dahil kahit papaano, naging pamilya niya si Sen. Ping Lacson na tumatakbo ring presidente at isa sa kalaban ni VP Leni.

Alice, ingat sa paglantad ng asawa’t anak

Ang careful ni Alice Dixson sa pagpo-post ng photos sa travel nila ng anak na si Aura dahil hindi talaga nalaman ng followers niya kung saan sila pupunta ng kanyang daughter. Pati sa mga airport, iniwasan din malaman ni Alice kung nasaang airport sila ng anak.

Sabi nito, sa the last 24 hours, they took three flights and one boat ride for a reunion with her husband. Nang makasama na nila ang kanyang husband, kundi malayo ang kuha, madilim, kaya hindi rin nakita ang mukha ng asawa ni Alice.

Ipinagmalaki pala ni Alice na nag-travel sila ni Aura nang wala silang kasamang yaya. Mahirap daw ito dahil 52 years old na siya, pero dahil fit, nakakaya niyang alagaan ito, pati ang makipaghabulan at kapag nagta-travel sila, ang magbuhat ng kanilang mga gamit.

Samantala, naiinis kay Alice at sa karakter niyang si Ingrid sa First Lady ang viewers ng rom-com series dahil sa mga pinaggagawa nito. In fairness to her, mahusay na kontrabida si Alice, pero gusto ng kanyang fans, sa next project niya sa GMA 7, mabait naman ang role niya.

Yorme, tinabla ng mga taga-showbiz!

Kinontra ni Romnick Sarmenta na kasamahan dati ni Manila City Mayor Isko Moreno sa That’s Entertainment ang pahayag ni Isko na “Di matatapos ang gulo kapag pula o dilaw ang manalo.”

Para kay Romnick, ang tamang statement daw dapat ni Isko ay: “Di matatapos ang gulo, kapag trapo ang nanalo. We deserve a better government, that is transparent, accountable and pro-Philippines.”

Nag-agree kay Romnick ang mga kap­wa niya Kakampink, pero hindi ang supporters ni Isko. Dapat daw tiningnan muna ni Romnick ang Manila at mga nagawa ni Isko bago siya nagsalita. Ipinaalala rin kay Romnick na noong kainitan ng pandemic, ang daming naitulong at nagawa ni Isko para sa mga taga-Manila.

Anyway, noon pa namin napansin na kahit taga-showbiz si Isko, hindi siya suportado ng mga taga-showbiz. Pati ang mga nakasama niya sa That’s Entertainment  at mga nakasama sa Seiko Films, walang lumabas para sumuporta sa kanya.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with