^

Pang Movies

BB, pinagmalaking American citizen na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
BB, pinagmalaking American citizen na!

Ang post ni BB. Gandanghari na announcement na “#MovingOn: officially American. Made in USA... the next chapter!! #naturalization #AmericanBeauty #Citizenship #BB #BBG #BBGandanghari.”

Ang gustong tukuyin ni BB Gandanghari, American citizen na siya at iba-iba ang reaction ng netizens. Ang isang comment ang sabi, dahil American citizen na siya, nabawasan ng isang boto si Robin Padilla na tumatakbong senador sa May 9 elections.

May nagsabi namang bakit kailangang i-post ni BB Gandanghari ang tungkol sa pagiging American citizen niya? At natawa kami sa sagot na comment na kung ang ulam nga ipino-post at ipinaalam sa socmed, bakit hindi ang pagiging American citizen.

Marian, di natuloy ang pagiging Kakampink

Nabasa namin ang ilang comments ng netizens na na-disappoint na wala si Marian Rivera sa rally sa Cavite nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.  Bago kasi ang rally, may lumabas na teaser gamit ang silhouette picture ni Marian na nakasuot ng Darna costume.

Tama rin binanggit ng isang friend nina Marian at Dingdong na walang sinabi ang DongYan na pupunta sila sa rally at kung magagalit sila, dapat doon sa nagpakalat ng fake news na darating si Marian sa rally at ginamit pa ang sil­houette photo niya.

Certified fake news nga ang balitang dadalo si Marian sa rally sa Cavite ng Kakampink, walang alam ang aktres na noong Linggo kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto na nagsu-swimming sa bahay nila.

 Samantala, sa May 7, na ang airing ng documentary na Miss U: The Journey to the Promised Land  at may replay sa May 8. Sa May 14 naman ang pilot ng sitcom nilang Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Pia, pinag-usapan sa MUP

Pasabog si Pia Wurtzbach sa katatapos na Miss Universe Philippines, pinag-usapan ang pagco-co-host niya sa coronation night. Pinag-usapan din ang paglabas niya at ang pagrampa na comment ng pageant fans, parang kandidata pa rin si Pia that night.

Samantala, may post si Pia sa campaign nila ng boyfriend na si Jeremy Jauncey na present din sa coronation night ng Miss Universe Philippines.

“It’s our first Philippine out of town trip together and Jeremy & I decided to make it more meaningful by partnering with @wwwf @wwwfphilippines to visit Albay for #BigayTibay. It’s an effort to produce newm stronger and more resilient boats that can withstand rougher waves for fishermen who lost their means for livelihood due to typhoons. In support of sustainable local fishing to raise  P21M to build 27 steel fibreglass boats. I’m positive we can make it! Will update you more about it soon so we can all support this campaign.”

vuukle comment

BB GANDANGHARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with