Anak ni Ogie na singer, ‘di masyadong nararamdaman
Ogie Alcasid feels not just blessed but tremendously blessed, he said, sa pagkakaroon ng dalawang anak na babae sa kanyang dating Australian beauty queen wife, Michelle van Eimeren, and with his current maybahay, Regine Velasquez, isang lalaki, now 10 years old.
All three are good singers, too. Besides being all a looker, too.
Come to think of it, nasaan na kaya ‘yung panganay na babae ni Ogie na nag-try maging singer dito sa atin pero ‘di na natin naririnig sa kasalukuyan?
Both daughters nga pala ni Ogie must be in their teens and mid-20s.
Matteo, ipagpoprodyus ng musical movie si Sarah?!
Oo nga pala, bakit hindi naiisip gumawa ni Sarah Geronimo ng isang musical movie?
Pawang sa TV o concert lang natin siya nakikitang umaawit.
Hindi ba interested ang kanyang husband na si Matteo Guidicelli, who is himself a singer, performer and TV actor na mag-produce ng movie for her?
Although we heard na mas interested na ito na magkapamilya na silang mag-asawa.
Magti-three years na nga naman mula nang sila’y ikasal.
Herlene, bibigyan ng bagong image ang BB Pilipinas
Wow, Salve A., official na nga ang pagsali ni Herlene Budol, known otherwise as the Hipon Girl, sa Binibining Pilipinas Charities, Inc.
If there’s one person na haping-hapi sa bagong pangyayari sa buhay ni Herlene, it is Willie Revillame in whose daily show, Wowowin, unang napanood si Herlene.
Willie pa nga raw was the one na unang tumawag kay Herlene ng Hipon Girl dahil mukha raw nga itong ‘hipon’ nang sumali sa Wowowin.
Pati kilos pa nga raw ni Herlene ‘hipon na hipon.’
Well, kapag pinalad si Herlene at nanalo bilang Binibining Pilipinas, magkakaroon ng bagong image and kilalang National title.
Na posibleng magbigay ng bagong image rin sa international title.
Ang galing ‘pag nagkataon.
‘Di ba, Salve A.?
Rambo, alalay ni Douglas noon
Kailan nga kaya, Salve A., ang kasal ni Maja Salvador sa kapu-propose niyang nobyo na si Rambo Nuñez?
Bagay silang dalawa, sa totoo lang.
Saying at sumakabilang buhay na ang dating magaling at mahusay na producer at talent manager na si Douglas Quijano.
Katu-katulong dati itong si Rambo sa talent agency na pag-aari nina Douglas at mommy ni Rambo na si Ellen Nuñez.
- Latest