^

Pang Movies

Keanna, naka-survive dahil sa online selling

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Keanna, naka-survive dahil sa online selling

Kahit kelan ay hindi ikinahiya ng actress-comedienne na si Keanna Reeves ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay pati na ang kanyang pagiging ‘escort girl’ noon ng mayayamang businessmen at mga kilalang pulitiko.

Si Keanna na ang tunay na pangalan ay Janet Derecho-Duterte ay tubong Cebu at isa sa limang anak ng kanyang parents. Unknown to many, si Keanna ay naging produkto ng battery. Madalas umano siyang nabubugbog ng kanyang dating mister dahil sa pagiging sobra nitong seloso at marami umanong ipinagbabawal sa kanya. Dahil sa sitwasyon, masakit man sa kanyang loob ay naglayas siya at iniwan ang kanyang dalawang anak na ang bunso ay wala pang isang taon.

Dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral, napunta si Keanna sa pagi­ging ‘escort girl’ at madalas umano siyang tumatambay noon sa mga hotel lobby at lounge kasama ang ibang babaeng bayaran. Hindi niya  ikinahihiya ang kanyang trabaho noon dahil dito siya kumikita.

Naging controversial noon si Keanna nang kanyang aminin sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang pagiging ‘escort girl’ at pinangalanan pa niya ang ilang pulitiko na kanyang naging kliyente. Dahil dito, umatras umano ang politicians at businessmen sa kanyang ‘serbisyo’ sa takot na sila’y ibulgar niya.

Thankful si Keanna sa kanyang pagkakapasok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition nung 2006 dahil bukod sa siya ang naging Big Winner at nakapag-uwi ng P4-M cash and prizes, ito rin ang simula ang kanyang showbiz career sa tulong ng kanyang manager noon, ang TV host at talent manager na si Boy Abunda.

Maraming realization si Keanna laluna sa panahon ng kasagsagan ng  pandemya dahil dito niya lubos naunawaan kung paano maka-survive. Natuto si Keanna sa online sel­ling ng mga damit at ito umano ang nakatulong sa kanya na maitawid ang kanyang mga pangangailangan.

Ngayong malalaki na ang kanyang dalawang anak at nakakaunawa na sa mga bagay-bagay, doon umano sila naging close sa isa’t isa although hindi niya kapisan ang mga ito.

vuukle comment

KEANNA REEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with