Seryosohin ang pagboto…
May 1 na today. And in more than a week, election day (May 9) na.
Meaning in less than two weeks, may bago na tayong President, Vice President at 12 senators.
O, ikaw, Salve A., prepared na ba ang list ng mga iboboto mo?
In fairness, seryosohin natin ang gagawin nating pagboto.
Sa mga mananalo nakasalalay ang kapalaran natin for the next six years. Lalo ng ating kabataan.
Let’s not just wish, but pray.
Pray rin natin na matapos na ang current pandemya. Marami ang giginhawa ang buhay ‘pag nagkataon.
Masarap maging normal muli ang lahat sa ating paligid.
AJ, may pa-tribute sa ama
Wow, Salve A., type ko ang gagawin ni AJ Raval (for Alyssa Jeric, combination of her parents’ name: Alyssa Alvarez at Jeric Raval), na sana tuparin niya na titigil muna siya sa pag-aartista at mag-aaral daw siya.
Hindi niya binanggit kung anong kurso ang kanyang kukunin pero, yes, college na siya. She’s 21 years old.
In fairness kay AJ, maganda ang kanyang showbiz career, since tanggap ng tao ang kanyang pagiging too sexy for comfort.
Tribute raw itong kanyang desisyon na mag-aral sa kanyang ama na kilala natin bilang dating action star.
Yes, si Jeric Raval.
Kylie, ‘di puwedeng isnabin
Kylie Verzosa may finally have nursed a bit, kumbaga, ang sakit na nararamdaman niya, when she and Jake Cuenca broke up.
Ang sakit ng ginawang “pamamaalam” sa kanya ni Jake, na kahit daw mahal pa siya nito, as far as he is concerned, wala nang balikang mamamagitan sa kanila.
Huwag isnabin ang beauty nitong si Kylie, Miss International siya, year 2016. At maganda at sexy pa rin siya, lalo na ngayon.
Three years din silang naging mag-on ni Jake.
She remains busy as a bee.
She is currently Zanjoe Marudo’s leading lady in Ikaw Lang Ang Mahal ng Vivamax, to premiere on May 20.
Joel, maraming natutunan kay Direk Peque
Sixty years old na pala si Joel Torre. And why we mentioned his name, he is in the cast of Ikaw Lang Ang Mahal.
Walang balak mag-artista originally si Joel. Mas type niyang magtrabaho behind the camera.
The reason, he explained before, why he enroled at the University of St. La Salle, Bacolod City, and took up Films as one of his special subjects.
Lucky him as he had the great Peque Gallaga for one of his special professors.
One time, when direk Peque needed a student in his class to assist him, so to speak, he requested for Joel. “And that was – is – that,” paglahad ni Joel.
- Latest