^

Pang Movies

Angeline over-exposed sa social media!?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Angeline over-exposed sa social media!?

Ewan ko pero parang KSP o kulang sa pansin ang dating sa akin ng style ni Angeline Quinto.

Hindi mo alam kung ano ba ang gusto niyang maging reaction ng tao sa mga posting niya ng pre at after delivery moments niya.

Parang hindi naman ganun ka-excited ang tao sa mga nangyayari sa buhay niya, kaya hindi mo feel kung ano ba ang purpose na lagi niyang inilalagay sa social media iyon mga kaganapan sa buhay niya.

Baka naman hindi ko lang napupuna, pero parang ‘so what ‘ naman ang dating ng mga nakakapanood ng mga posting niya.

Pag sobra kasing trying hard, mukhang cheap ‘di ba ? Kasi kung talagang newsmaker ka, ikaw ang hahabulin ng news, hindi ikaw ang nagbibigay nito.

Kahit iyon mga pictorial niya na buntis siya, parang so, so lang ang dating, hindi pinag-usapan. Kung ako si Angeline, hintayin mo na ikaw ang lapitan para sa news, hindi iyon gumagawa ka ng news.

‘Yun lang at babu.

Pauleen, naging mahusay na misis

Kitang-kita mo ang happiness sa mukha ni Vic Sotto sa birthday celebration niya sa Eat Bulaga. Talagang feel mo ang inner happiness na nadarama niya.

Kahit si Pauleen Luna nasa mukha ang peaceful life na ini-enjoy nila ng mister.

Siguro nga, malaking bagay na magkasama silang tatlo ni Talitha sa loob ng bahay for the longest time dahil sa pandemic.

Suwerte ni Talitha na dumating siya sa buhay ni Vic na hindi na ito gaanong busy sa trabaho, kaya maraming oras sa kanila.  Maganda rin na talagang hands-on wife and mother si Pauleen.

Imagine for a young wife like Pauleen ang ganda ng pag-aalaga niya sa pamilya.

Bongga.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with