Mommy Dionisia humahabol!
Wow, Salve A., look who is now kapit-tuko diumano sa pagtulong kay Presidentiable Manny Pacquiao?
Well, lalo diumano sa kanyang mga provincial campaign.
Ang kanyang Mommy Dionisia, no less, that’s who.
In fairness, Mommy D., at 72, doesn’t look or not act her age.
Ang liksi pa rin niyang kumilos and friendlier than ever.
To the entertainment press, lalo na, she has remained close. As she became a friend to them before Pambansang Kamao.
Malaking tsansang makapuntos lalo ng boto si Manny because of Mommy Dionisia.
Well, harinawa.
Pacquiao, dolyares pa ang mga pera
Of Pacquiao, how rich the guy is, we can only surmise.
Someone whispered, kung puwedeng 200 million, well in dollars, mayroon na siya.
Kayo na lang kumuwenta kung magkano ito sa peso.
Basta according to Manny, kapag pinalad siyang manalo, tutulong talaga siya para umunlad ang Pilipinas at mga Pilipino.
Well, muli , harinawa.
Sue, di naisip na pumatol sa may asawa
Walang kiyemeng inamin ni Sue Ramirez na fan siya ng top series na The Broken Marriage Vow, which she topbills, along with Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.
Crazy, she may be accused of, pero di raw siya nagsasawang panoorin ang series. Kahit kung minsan, paulit-ulit pa.
She actually plays a kontrabida, as she is supposed to be a kabit of Zanjoe, na married kay Jodi.
In real life, though, she doubts kung papatol siya sa lalaking committed na.
Sue, only 25 years old, kung sabagay, is currently in a relationship with fellow actor and aspiring politician Javi Benitez.
Javi is running for Mayor of Victorias City, province of Negros Occidental.
Yes, ngayong eleksyon.
Bilyonaryo ang ama ni Javi na si Albee Benitez na kandidato ring mayor sa Bacolod.
Angeline, nagpapalakas na
Wish daw ni Angeline Quinto na buhay pa ang kanyang Mama Bob, nang isilang niya kamakailan ang kanyang panganay na pinangalanan niya at ng kanyang partner na si Baby Silvio.
Extra happy daw sana, kung nagkataon si Mama Bob, na hindi man niya tunay na ina ay itinuring siyang even more than just a daughter.
Namatay ito two years ago dahil sa stroke.
Ksalukuyang ‘bumabawi’ si Angeline before she resumes her singing career. Well, hindi lang ang kanyang magandang boses, kung hindi pati ang kanyang sexy self.
In fairness, because of Mama Bob, napanatili niyang overwhelming ang kanyang singing career.
“She taught me discipline. And how, that’s why,” ani Angeline, who is 32.
- Latest