^

Pang Movies

AJ, ayaw pang makatrabaho si Diego   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
AJ, ayaw pang makatrabaho si Diego            

Inamin ni AJ Raval na ayaw niya munang makatrabaho si Diego Loyzaga hindi dahil sa ayaw niya ang aktor mismo kundi dahil sa isyung kinasangkutan nila.

Matatandaang natsismis sila ni Diego sa panahong karelasyon pa ng aktor si Barbie Imperial at naging isang malaking issue pa ‘yun dahil na rin sa pagsasalita ni Barbie at tinawag pa siyang “kabit.”

Good thing, tahimik na ang issue ngayon pero ayon kay AJ, mas mabuting hindi na sila muna magkatrabaho ni Diego dahil baka ma-bash na naman daw siya tulad ng nangyari noon.

Pero okay naman daw siyang makatrabaho si Barbie.

“Si Barbie, okay lang naman po. Kung magkakaroon po ng chance, wala namang pong problem. At least kung may mga bagay na… may sinasabi siya, mako-confront ko po siya,” sabi ni AJ nang makausap namin sa screening ng pelikulang Kaliwaan.

Actually ay nagkaayos na sila ni Barbie dahil nag-text daw siya ng mahabang mensahe sa aktres before para maklaro ang lahat.

“Ang haba po ng message ko, sabi ko sa kanya na huwag siyang magpapadala sa mga tao, naiintindihan ko po siya, na-provoke lang po siya kaya siya nagsalita nang ganu’n,” sey ni AJ.

Samantala, pagdating naman kay Aljur Abrenica, ani AJ ay wala pa raw talaga silang commitment at nasa ligawan stage pa lang daw sila.

“Siguro, malapit na rin po kami sa point na maging official. If ever po, hindi naman po namin itatago,” she said.

Actually, hindi nga raw sila nagde-deny talaga kaya naba-bash nga raw sila.

May priorities pa raw sila ngayon kaya ‘yun muna ang kanilang inuuna.

“Kasi talagang inuuna po namin ‘yung mga priorities saka ‘yung mga problem na dapat muna pong asikasuhin, unahin. Tapos, hinihintay na lang po namin ‘yung isa’t isa,” sey niya.

Samantala, naging emosyonal naman si AJ nang matanong kung ano ang reaksyon niya habang pinapanood ang Kaliwaan lalo na nga ang matitinding eksena sa pelikula.

“’Yung reaksyon ko kanina, ‘ganito pala kaganda ‘yung film. Kasali pala ako dito,’ sabi ko sa sarili ko. Kasi nu’ng sinu-shoot namin ‘yun, parang nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, ‘yung film, drama lang. So, hindi ko in-expect na ganu’n pala kaganda ‘yung story,” ani AJ.

Hanggang ngayon daw ay naaalala pa niya ang shooting na buong maghapon siyang umiiyak at napakabigat daw talaga. Pagkatapos daw ng shooting ay pumunta siya sa friend niya at iyak siya nang iyak. Talaga raw nadala siya ng mga emosyon ng kanyang karakter.

Habang pinapanood nga raw niya ang torture scene ng leading man na si Vince Rillon ay para raw siyang hihimatayin.

“Nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene kasi ang ganda, ang ganda ng story, ang galing na aktor ni Vince,” pahayag pa ng sexy actress.

Mula sa direksyon ni Daniel Palacio produced by Brillante Mendoza, mapapanood na ang Kaliwaan simula sa April 29 sa Vivamax.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with