^

Pang Movies

DongYan, level up sa comeback

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
DongYan, level up sa comeback

Opisyal na ang TV comeback ng royal couple ng GMA na sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera.

Dumalo sina Dong at Yan sa contract signing kasama ang GMA Network at APT Entertainment executives kamakailan sa Luxent Hotel.

Bahagi ng pahayag ni Dong sa contract signing, “Na-realize namin na naging tahahan namin ang GMA for the past two decades at forever grateful kami sa tiwalang ibinigay ninyo sa amin.

“It was because of GMA kaya nakilala ko ang aking napangasawa at dahil dun, nagtayo kami ng sarili naming tahanan at doon nagmula ang idea na mag-shoot kami ng small videos sa bahay na ang title ay Jose at Maria.

“Doon ko na-realize na ang sarap palang katrabaho ni Marian na sobrang professional at sobrang galing at kahit sa mini-videos na ‘yon ay ganun na rin ang kanyang dedication.

“Kaya sabi namin, we want to bring this sa next level. That’s where APT comes in na nagtiwala sa amin at sa concept na puwede naming gawin.”

“Isa ito sa pinapangarap namin lalo na sa akin kasi ang tagal ko nang hindi lumalabas sa primetime, hindi ako makapaniwala na totoo na ito. Bonus pa na si Dong ang kasama ko. Kaya sa mga taong nagmamahal at naghihintay, malapit na po ninyong mapanood ang Bongga Villa nina Jose at Maria!,” sey naman ni Yan.

May 14 na ang pilot telecast ng Jose and Maria’s Bongga Villa kaya humandang tumawa at makilig sa Team Rivera-Dantes!

May cameo role kaya ang mga anak nilang sina Zia at Sixto? Abangan!

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with