Paul, inamin ang relasyon nila ni Mikee
Inamin ni Paul Salas sa Mars Pa More na nagde-date sila ni Mikee Quintos. Naging close kasi ang dalawa nang magsama sila sa teleserye na The Lost Recipe noong 2021.
Marami nakakita kina Paul at Mikee na nagbakasyon sa isang beach resort. May mga kasama naman daw silang dalawa, pero makikita na binibigyan ng atensyon ni Paul si Mikee.
Kaya hindi totoo ang balitang na-friendzone si Paul dahil very sweet naman daw ang dalawa sa isa’t isa.
‘Yun pala ang dahilan kung bakit parang blooming si Mikee sa Zoom mediacon ng GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy Sa Langit. Inspired pala ito ngayon at may nagpapangiti sa kanya parati.
Kahit na pareho silang nag-lock-in taping sa malalayong location, hindi naman daw nila nakakalimutan ang kumustahin ang isa’t isa.
Kristoffer, ‘di naisip na ikakasal
Kinuwento ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sila ng kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon. Pero dahil sa naging balikan nila, gusto nilang itama ang lahat kaya nagpa-civil wedding sila noong nakaraang Feb. 3.
Bumalik daw si AC sa panahon na kailangan na siya ni Kristoffer at nagpakasal sila kahit na hindi pa sila handa noon. “As you get to know the Lord more, si God, si Jesus, makikita mo na, ‘Oo nga, parang mali ito na nagsasama tayo na wala ‘yung blessing ng marriage.’ Nag-ask kami sa mga pastor namin na, ‘Okay lang po ba kahit ganito ‘yung setup?’ Sabi nila no kasi against ‘yan sa law ni Lord. Ang sabi ko nga, akala namin ang kailangan namin magandang kasal, hindi pala. ‘Yung bond, ‘yung marriage mismo, ‘yun ang kailangan namin,” sabi ni Kristoffer.
Tech billionaire Elon Musk, babaguhin ang Twitter
Binili ng tech billionaire na si Elon Musk ang social media platform na Twitter sa halagang $44 billion.
Sa nilabas na statement ni Musk: “Free speech is the bedrock of a functioning democracy, and Twitter is the digital town square where matters vital to the future of humanity are debated. I also want to make Twitter better than ever by enhancing the product with new features, making the algorithms open source to increase trust, defeating the spam bots, and authenticating all humans. Twitter has tremendous potential — I look forward to working with the company and the community of users to unlock it.”
Naging largest shareholder ng Twitter si Musk ilang linggo bago niya naisipang bilhin ang naturang social media platform.
- Latest