^

Pang Movies

Aktor, bongga ang koleksyon ng mamahaling kotse at relos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi lang mamahaling sasakyan meron ang aktor na ito, pati mamahaling relos ay meron siya. Sa photo shoot ng aktor, suot ang kanyang mamaha­ling relos gaya ng Rolex, Patek Philippe, Audemars Piguet, Portugieser at iba pang brand.

  Hindi lang tig-iisa ang brand ng relos a dahil ang nakita namin, tatlong klase ang Rolex niya, lima ang Patek Philippe, lima ang Audemars Piguet, tatlo ang Portugieser at hindi natin alam ang iba pang brand ng  watch collection ng aktor.

Siguradong may iba pa siyang collection na hindi pa niya isinusuot at ginagamit sa pelikula at sa telebisyon.

  Dahil pala sa fleet ng cars na meron ang aktor, kapag may eksena siya sa kanyang mga teleserye na kailangan niyang gumamit ng sasakyan o kaya kailangan sa eksena ng isa niyang co-star, hindi na nahihirapang maghanap ang production. Sa aktor na sila lumalapit  para hiramin ang kanyang sasakyan and knowing him, hindi na siguro nito pinababayaran ang mga hinihiram na sasakyan. Nakakatipid kahit papaano ang production sa bagay na ito.

Sa collection pa lang ng aktor sa relos at sa sasakyan, mabubuhay na siya ng maayos at hindi na maghihirap. Bibilib ka rin sa aktor dahil marunong mag-ipon at marunong humawak ng pera, kaya afford niyang bumili ng mamahaling sasakyan at relos at iba pang expensive na gamit.

AiAi, todo ang iyak nang iwan ang asawa sa Amerika

 Parang naging tribute kay AiAi delas Alas ang mediacon ng Raising Mamay dahil puro papuri sa kanya ang sinabi ng co-stars niya. Gaya ng mabait siya, hindi ipinaramdam na big star, mahusay na aktres at mabilis mag-shift ng karakter.  Ang pinakamagandang mensahe ay galing kay director Don Michael Perez.

Ang sabi lang ni direk Don, si AiAi lang ang makakagawa ng mga eksenang ginawa niya sa series. “Hindi ko rin siya nakikitang Comedy Queen, para sa akin, Queen siya, period.”

After ng taping, babalik na sa Amerika si AiAi para makapi­ling na ang kanyang asawa. Kuwento nito, katakut-takot na iyakan silang dalawa bago siya bumalik ng Pilipinas, pero hindi niya puwedeng tanggihann ang blessing na ibinigay ng GMA by giving her this project plus, may kontrata pa siya.

Sa tanong naman kung ano ang memorable moment niya with her mom, naging emotional at naiyak si AiAi and she was talking about her biological mom.

 “Hindi ko makakalimutan ang sincerity niya sa pagso-sorry na ipinamigay niya ako o ipina-adopt kahit hindi niya kailangang mag-sorry. Ang pagi­ging nanay niya ay hindi ko kayang bayaran, hindi niya kailangang mag-sorrry at naintindihan ko kung bakit  niya ako ipina-adopt,” sabi ni AiAi.       

Donita pinagpalit noon ng asawa sa kanyang kaibigan

Ano ba ‘yun, may namba-bash kay Donita Rose dahil lang ginawa nilang public ang relasyon ni Felson Palad. May mga gumawa raw ng memes, may nagtu-troll at nagko-comment ng negative na sabi ni Donita, “Yes, they have been painful for me” at pini-pray na lang daw nila ng boyfriend ang bashers at trolls.

Saka, mas marami pa rin ang masaya para kay Donita at nagsasabing she deserves to be happy after ng experience niya sa kanyang ex husband. Painful experience raw kay Donita ang nangyari prior to their separation na gusto tuloy naming malaman ang nangyari. True ba ‘yung friend pa ni Donita ang ipinagpalit sa kanya ng kanyang ex?

Ang payo kay Donita ng mga kaibigan, dedma na lang siya sa bashers, trolls at negative comments.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with