^

Pang Movies

Trina, tinuldukan na ang relasyon kay Carlo  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Trina, tinuldukan na ang relasyon kay Carlo             

Nagbigay na rin ng statement si Trina Candaza na hiwalay na nga sila ni Carlo Aquino. Sinabi rin niya na mahirap na silang magkabalikan pa dahil may mga taong may kinalaman kay Carlo na hindi naman pabor talaga sa kanilang relasyon.

Ilang buwan na ang  nakararaan nang lumipat bigla ng bahay si Trina, kasama ang kanilang anak na hindi kasama si Carlo. Noon pa man umugong na ang balita na hiwalay na sila. Wala nga lang nagbigay ng kumpirmasyon.

Lately inamin na rin ni Carlo na hiwalay na nga sila, pero wala siyang sinabing dahilan ng kanilang hiwalayan. Sinabi lang ni Carlo na nag-uusap pa rin sila, nahihiram naman niya ang kanilang anak, pero nananatili iyon sa pangangalaga ni Trina.

Sa ngayon naman ang sinasabi ni Trina, talagang tinuldukan na niya ang kanilang relasyon ni Carlo at palagay niya hindi na sila magkakabalikan pa.

Donita, maligaya kahit binibira

Diretsahang sinabi ni Donita Rose, na ngayon ay nagtatrabaho na bilang food consultant sa isang mala­king supermarket chain sa US, na wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng mga tao tungkol sa kanyang love affair.

Iyan ay matapos niyang aminin sa publiko na may karelasyon siya ngayon. Ang boyfriend niya ay isang Caviteño na ngayon ay naninirahan na rin sa US, si Felson Palad, na isang songwriter, musician at voca­list na sinasabing nakilala nang ilantad ni Donita.

Matagal-tagal na ring hiwalay at divorced na sila ng dating asawang si Eric Villarama na tumagal ng 14 years ang pagsasama.

May isa silang anak na lalaki, si Paul John.

Pero siyempre, dahil inamin nga ni Donita ang bagong relasyon, may mga marites na namang nakialam.

Pero hindi naman siya basta nakipaghiwalay sa kanyang asawa. Nag-divorce sila, at nagpalipas pa ng ilang taon si Donita bago nagkaroon ng boyfriend.

Binibigyan ng diin ni Donita, na isang born again Christian, “wala naman kaming pakialam sa sasabihin ng tao, ang iniisip namin ay ang aming relasyon sa Diyos, at wala kaming nakikitang masama sa ­aming ginagawa at sa aming relasyon”.

Kung tutuusin tama si Donita. Siguro may ibang Pinoy na hindi pa rin pabor sa divorce, pero sa usapang legal, dahil sila ay nasa US, at dahil dual citizen naman si Donita, kinikilalang legal ng batas ang kanyang divorce.

Baguhang aktor-aktoran, nagpapa-pick up na naman

Dahil alert level 1 na nga at pinapayagan na ang 100% na attendance maski sa mga watering hole, nagbukas na naman pala ang isang watering hole na noong araw pa ay kilala nang istambayan ng male star na “suma-sideline” at mga rich gay. Istambayan din naman daw iyon ng mga babaing ‘alam na ninyo.’

Ang ikinakatakot lang ng iba, ang lugar noon ay nagiging pasahan din daw ng droga, pero wala namang makapagkumpirma.

Panay ang post ngayon sa social media ng isang male newcomer tungkol sa madalas nilang pag-istambay sa nasabing watering hole, na ang ibig daw sabihin ‘doon na lang siya hanapin kung may interested sa kanya.’ 

Kilala namang suma-sideline talaga ang male newcomer na iyan. Iyon nga lang, kung minsan daw double cross ang deal.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with