^

Pang Movies

Kaya nakipag-ayos… Diego, inakalang katapusan na ni Cesar nung magka-COVID   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kaya nakipag-ayos� Diego, inakalang katapusan na ni Cesar nung magka-COVID            

Ibinahagi ni Diego Loyzaga na ang pagkakaroon ng COVID-19 ng amang si Cesar Montano ang naging dahilan ng kanilang pagkakayos. Dito raw talaga niya na-realize that life is short at hindi niya raw niya makakayang tanggapin kung mawawala ito nang hindi sila magkakaayos.

Matatandaang tinamaan din ng killer virus si Cesar last year at kuwento nga ni Diego sa panayam niya sa RX93.1, naging matindi raw ang tama ng COVID sa kanyang ama.

“He got COVID pretty bad and the family thought that it might be you know, parting ways already na parang goodbye na,” kwento ni Diego.

Habang nasa ospital daw ang ama niya ay nagkaroon sila ng pagkakataong lahat na magkakapatid na makausap ito via video call.

“When I talked to him, I was like, ‘is this really how it’s gonna end? Parang I’ve never even got to say anything to you, say sorry for the past, and you’re just gonna pass away’

“So, parang ako, hindi ko matanggap. I was crying when I was talking to him on FaceTime,” kwento ni Diego.

Matigas daw ang ulo ng kanyang ama at ayaw magpa-intubate pero pumayag na rin in the end at ito raw ang nakapagsalba sa buhay ni Cesar.

So, to cut the story short ay gumaling si Buboy at nagpatuloy na since then ang communication nila ni Diego. Hanggang sa magkayayaan nga sila ng basketball na ipinost nila pareho sa kanilang Instagram at kaagad ngang nag-viral.

Ngayon ay maayos na talaga ang kanilang relasyon at ani Diego ay sobrang happy raw siya talaga about it. Sa kasalukuyan nga ay nire-remake pa niya ang pelikula ng kanyang ama na Waway.

Nagluluksa...Rufa Mae, nalagasan ng kapatid

Dumagsa ang pakikiramay ng mga kaibigan sa showbiz kay Rufa Mae Quinto matapos niyang ibalita kahapon ang malungkot na pangyayari sa kanilang pamilya.

Sumakabilang buhay na ang kanyang lalaking kapatid na si Vincent Sy. Ayon kay Rufa Mae, grabe raw pala ang malagasan ng kapatid.

“Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen

“Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sayo Vincent , ang pogi at mabait kong kapatid, Rip. Mahal ka namin @symonkeyking. Grabe pala malagasan ng kapatid. Iba din,” ang post ni Rufa.

Matatandaang kararating lang ng sexy comedienne sa Pinas.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with