^

Pang Movies

Parusa kay Will, hinihintay ng fans

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Parusa kay Will, hinihintay ng fans
Will Smith.

Isang linggo lamang halos ang pagitan ng ginawang pambubugbog ng Kapamilya actor na si Kit Thompson sa kanyang girlfriend, ang sexy actress-producer na si Ana Jalandoni na naganap nung gabi ng March 17 sa isang hotel in Tagaytay City na naging daan ng pagkaka-detain sa actor sa isang police station in Tagaytay habang si Ana naman ay isinugod sa pinakamalapit na pagamutan for treatment.

Dahil weekend, hindi agad nakapaglagak ng piyansa si Kit at ang kanyang abogado kaya nung March 21 ng hapon na siya nakalaya. Pero magmula noon ay hindi pa ito nagbibigay ng pahayag tungkol sa insidenteng kanyang kinasangkutan with his girlfriend habang si Ana naman, her father and lawyer ay humarap sa media nung nakaraang Lunes, March 28, para ibahagi ang totoong nangyari at sa plano nilang pagsasampa ng patung-patong na kaso laban sa kanyang kasintahan.

Habang unti-unti nang lumalamig ang issue sa pagitan nina Ana at Kit, isang napakalaking balita naman ang sumabog nung gabi ng March 27 (Linggo) sa star-studded at glitzy Oscar Awards na ginanap sa Dolby Theatre ng Hollywood, Los Angeles, California nang hindi inaasahang mag-init ang ulo ng award-winning actor, rapper and film producer na si Will Smith (53) dahil sa ginawang biro ng stand-up comedian, actor and filmmaker na si Chris Rock sa kanyang misis na si Jada Pinkett-Smith dahil sa pagkakalbo nito.

Si Jada ay may alopecia condition kaya naglagas ang kanyang buhok. Hindi ito napalagpas ni Will at agarang umakyat ng stage at inundayan ng sampal ang actor-comedian-presenter na si Chris na ikinabigla rin nito at ng lahat sa loob ng Dolby Theater maging ng mga nanonood sa kani-kanilang telebisyon which was beamed live worldwide.

Hindi lamang ang stars, talents and industry people sa loob ng teatero ang na-shock sa ginawa ng actor-rapper kundi ang buong mundo. Minutes matapos ang insidente ay si Will ang tinawag na Best Actor para sa pelikulang King Richard. Sa kanyang acceptance speech ay doon lamang siya nahimasmasan sa kanyang ginawa kaya agaran itong nag-apologize sa lahat ng bumubuo ng Academy pero hindi ito nag-sorry kay Chris. 

Ngayon pinag-aaralan na Academy kung anong parusa ang kanilang igagawad kay Will.

Habang ang YouTube star at boxer na si Jake Paul ay naghamon kina Will at Chris na maglaban sa ring at magbibigay umano siya ng tig-$15M each sa dalawang actor.

Wala mang experience sa ring si Chris, may kaunting experience naman si Will na siyang gumanap sa papel ni Muhammad Ali sa biopic nito nung 2001 na pinamagatang Ali. Of course, hindi sineryoso ng dalawa ang alok ni boxer at YouTube.

Halu-halo naman ang naging reaction ng marami sa inasal ni Will. Marami ang galit sa ginawa niya habang meron namang pabor sa kanya dahil ipinagtanggol lamang umano niya ang ginawang ‘pambabastos’ ng actor-comedian sa kanyang misis na si Jada.

As of this writing ay hindi pa naglalabas ang Academy ng kanilang desisyon kung anong penalty ang kanilang ipapataw kay Will.

vuukle comment

WILL SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with