^

Pang Movies

Willie nanghihingi ng dasal, may nakitang bukol sa katawan  

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Willie nanghihingi ng dasal, may nakitang bukol sa katawan          

Humihingi ng dasal si Willie Revillame dahil ayon sa kanyang doctor, mayroon daw nakitang polyps sa kanyang katawan.  Nagulat daw ang celebrity host nang magpa-executive-check up siya after two years dahil sa pandemic, at iyon ang lumabas na findings.  Malalaman niya ang result at ipaaalam daw niya sa mga tao ang tunay niyang kalagayan na supposedly ay kahapon.

 “Basta magla-live ako kung nasaan man ako, kung nasa hospital man ako,” pahayag ni Willie.  “Gusto kong malaman ninyo yung totoo so, bakit naman ako magsisinungaling?  Lahat ng sinabi ko sa inyo totoo.  Anyway, sana ipagdasal ninyo ako na sana hindi cancerous ‘yung nakita sa aking polyps.”

May isa ring balita na malungkot daw si Willie dahil malabo pa raw nilang masimulan ang pagtatayo nila ng Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ni Manny Villar, dahil nahihirapan silang makakuha ng mga talents para sa full day of programming, wala pa rin silang basic network infrastructure like transmitters and studios.  Hindi na rin daw nila pwedeng bilhin ang old frequencies  ng ABS-CBN dahil naibenta na ito sa TV5 and Globe.

Sheryl natatawa pag nilalait

Marami nang galit kay Kapuso actress Sheryl Cruz dahil sa character niyang si Bethany sa GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas, Season 2. Iisa ang comment ng mga netizens na kung masama raw si Kendra, na dating ginampanan ni Aiko Melendez, mas malala raw ang kasamaan ni Bethany, dahil pumasok ang character ni Kendra sa  kanya, kaya alam niya kung paano paikutin ang mga kasama niya sa serye, sina Chanda Romero, Katrina Halili, Wendell Ramos at ang mga donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.  

Wala pa ba siyang natatanggap na panglalait mula sa mga netizens. Napatawa na lamang si Sheryl.

“But I’m enjoying my character at natuwa ako nang makasama ako sa isang napakagandang serye na dahil naka-lock in taping kami, naging close kami sa isa’t isa,” wika ni Sheryl.  “Nakakatuwa rin ang mga teen na kasama ko, dahil ngayon may love team na sila, parang bumabalik iyong time naming noon nina Manilyn Reynes at Tina Paner na may kani-kanya kaming ka-love team.  Mababait ang mga batang ito, kaya naman I treat them like my children at naalaala ko rin sa kanila ang daughter kong si Ashley na nasa States.  Advise ko lamang sa kanila, to love their job, be respectful to their co-workers at huwag lumaki ang ulo nila.  At nakikita ko namang pare-pareho silang mahuhusay umarte at enjoy din silang magkakasama sa set.”

Ang Prima Donnas. Season 2 ay napapanood Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.

Mike bubuo ng samahan ng mga na-kidney transplant

It’s nice to see Mr. Mike Enriquez back to work, simula kahapon, March 28, sa morning program niya sa DZBB na napapanood din sa GTV at 7:00 AM at sa 24 Oras sa GMA-7, 6:30PM kasama sina Ms. Mel Tiangco at Vicky Morales.  Parang hindi nagkaroon ng kidney transplant si Mr. Enriquez  At dahil dito, magbubuo sila ng mga friends niya, na tulad din niya ay mga transplant patients.

 “Magiging advocacy namin ay magtayo ng isang organization “to make dialysis and kidney procedures affordable to Filipinos.  I will be meeting with our group and figure out ways and means of helping our brothers and sister who need dialysis, who need kidney procedures but cannot have it because they cannot afford it.”

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with