^

Pang Movies

Melai, hinahanap ang basher na tinawag silang magnanakaw   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Melai, hinahanap ang basher na tinawag silang magnanakaw              

Galit na galit si Melai Cantiveros sa isang basher na tinawag siyang magnanakaw at idinamay pa ang kanyang mga anak.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Melai ang screenshot ng hate comments ng basher pati na ang profile picture nito sa social media.

Sa kanyang caption ay nanawagan ang TV host/actress na tulungan siyang hanapin ang basher at humingi rin ng tulong sa mga abogadong sumusupora kay Vice President Leni Robredo.

“Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun , Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pamg haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN
“Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni,” caption ni Melai.

Hindi namin masisi si Melai kung umuusok siya sa galit dahil sobrang tindi naman talaga ng sinabi ng basher especially sa kanyang mga anak at kahit sinong ina talaga ay magwawala.

“Sarap kumain ng galing sa nakaw…sumpain mga anak mo gaga. Boycott product endorse ni Melai..isa itong magnanakaw..pinalaki sa nakaw ng mga magulang,” ang isa sa komento ng basher.

Halatang supporter ng Marcoses ang basher and obviously, galit siya kay Melai dahil supporter naman ito ni VP Leni.

Isa lang si Melai sa mga Kakampink celebrities na kaliwa’t kanan ang natatanggap na pambabatikos mula sa mga kalaban ni VP Leni ngayong 2022 elections.

Sanya at Alice, may bikini showdown

Bilang summer na, muling sasabak si Sanya Lopez at mga female cast ng First Lady sa bikini showdown kung saan ay rarampa sila suot ang kanilang pinakaseksing swimsuit.

Nagpasilip na nga ang GMA 7 at naglabas na ng ilang mga larawan sa kaabang-abang na episode.

Makikita sa mga photos sina Sanya, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kakai Bautista, Cai Cortez, Analyn Barro, Cassy Legaspi at Alice Dixson na kanya-kanyang pose sa kani-kanilang swimsuit.

Sa isang larawan ay makikita nga na masayang magkasama sina Sanya at Alice. At dahil magkaribal sila sa serye (bilang Melody and Ingrid respectively), for sure ay sila ang talagang magbabanggaan sa bikini showdown episode na malapit nang mapanood.

Matatandaang last year, sa First Yaya na prequel ng First Lady ay nagkaroon na rin sila ng bikini showdown. Sina Sanya at Maxine naman noon ang nagkabugan bilang sila ang magkatunggali sa puso ni Glenn (Gabby Concepcion).

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with