^

Pang Movies

Isabelle, kinanta ang theme song ng EB sa TV5

Gorgy Rula - Pang-masa
Isabelle, kinanta ang theme song ng EB sa TV5

MANILA, Philippines — Ang daming naaliw kay Isabelle Daza na isa sa pansamantalang nag-host sa Lunch Out Loud. Nasilip namin ang naturang variety-noontime show ng TV5 nung nakaraang Biyernes, March 25, at walang kagatul-gatol na kinanta ni Isabelle ang theme song ng Eat Bulaga sa isang game nila na Pera Usog.

May bahagi roon na nag-‘knock knock’ si Isabelle hawak ang picture ng pagkain ng mga Italyano na Risotto. Kakantahin niya gamit ang salitang ‘Risotto,’ pero ang kinanta niya ay ang theme song ng Eat Bulaga na sinimulan niya sa sa “Mula Aparri hanggang Jolo,” at bago natapos ang linyang “buong bansa Eat Bulaga” ay sumabay pa sa pagkanta ang ibang hosts.

Tinanong siya ni Billy Crawford kung saan doon ang ‘Risotto.’ Sagot niya; “Di ba ang kumanta nito si Vic RiSotto?”

Ganun sila kakampante na okay lang kung mabanggit at kantahin pa ang theme song ng katapat nilang programa.

Nakuwento sa amin ng ilang taga-TV5, nakakatuwa raw ang magandang performance sa rating ng Lunch Out Loud. May araw pa raw minsan na mas nataasan pa nito ang Eat Bulaga sa Visayas at Mindanao.

Kaya nagtataka sila bakit natsitsismis pang sisi­bakin na rin ito.

Isa pa raw sa nagpapalakas nito ay si Alex Gonzaga. Malakas daw ito sa netizens at nadadala sa kanyang programa.

Pero nitong mga nakaraang araw ay wala si Alex dahil nasa Dubai show ito nung nag-taping sila. Kaya nga si Isabelle muna ang ipinalit.

Sabi nga ni Isabelle, isa na raw siyang Pambansang Pinchhitter, dahil kung sino sa mga taga-LOL ang wala, siya ang ipapalit. Mas okay kung magiging regular na siya, pero may asawa’t dalawang anak si Isabelle na kailangan niyang asikasuhin, at naka-base pa sila sa Hong Kong.

Ngayong araw pala ay magsisimula na ang bagong segment nilang Maritest na tiyak matataypan ng masa lalo na ang mga mahilig sa showbiz tsismis.

MTRCB, pinag-aaralan kung ano ang gagawin sa mga pelikula sa streaming platforms na ‘di pambata

Dumalo sa nakaraang Appreciation Dinner ng MMFF 2021 ang bagong MTRCB Chairman na si Atty. Ogie Jaro, na parang mahiyain at hindi pa sanay sa interbyuhan. Mabuti at nagpaunlak naman sa amin, at naikuwento nga niyang unti-unti na raw dumarami ang mga pelikulang niri-review nila.

Umaasa siyang babalik na ang interes ng mga tao sa panonood sa sinehan. “Lately naman, medyo nakaka-adapt na tayo. Nasanay na. We know what to do with regards to distancing, protocols. Ang tingin ko, good so far. May mga pumapasok na more movies na niri-review. Hopefully, it’s the start of getting us back to the new normal,” pahayag ni Atty. Jaro.

Kagaya ng isyung iniwan ng dating MTRCB Chair Rachel Arenas, hinaharap na rin daw nila ngayon ang posibilidad na i-regulate ang napapanood sa online streaming. “It’s a very complicated issue,” pakli niya. “Ang ginagawa ng board ngayon, they’re discussing it. Nagku-coordinate kami with other agencies both local and abroad para how to exactly deal with this. Siyempre, we’re also trying to get input from the public, stakeholders. Hindi naman kasi parang… there’s a lot of legalities and technicalities. Medyo boring kung i-discuss ko pa lahat ‘yun,” dagdag niyang pahayag.

“Ang concern daw kasi talaga nila ay ang mga kabataang madali ang access sa mga streaming app na nagpapalabas ng mga pelikulang hindi dapat pambata,” sabi pa ni Atty. Jaro.

Sana huwag daw isipin ng mga tao na isi-censor nila ang mga napapanood online. Hindi raw ganun ang gusto nilang gawin.

“We’re just trying to find a solutions na everybody will be satisfied, stakeholders, the public, tapos ‘yun kami as we performing our mandate. Ganun. I’m not sure kung kailan namin magagawa ‘yun, hopefully soon,” seryosong pahayag ng MTRCB Chairman Atty. Jaro.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with