^

Pang Movies

Erich at Mateo, lihim na lihim ang kasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Erich at Mateo, lihim na lihim ang kasal!

Hindi na makita sa IG story ng kapatid ni Mateo Lorenzo, husband ni Erich Gonzales, ang pinost nitong wedding photos ng mga ikinasal kahapon. Mabilis nitong binura ang post at ang natira na lang ay photo niya na naka-Barong Tagalog, na hindi tayo sure kung suot sa wedding ng kapatid at ni Erich, o picture na walang kinalaman ang kasal.

May nakapag-save pa rin sa photo ni Erich in her wedding gown na gawa ni Mak Tumang at may hawak na wedding bouquet ng yellow and red roses. Ang isa pang lumabas na photo ay nasa harap ng altar ang mga ikinasal, pero nakatalikod at hindi kita ang mga mukha.

Sobrang low-key ang kasal nina Mateo at Erich, parang hindi super rich ang family ng husband ni Erich. Walang wedding gown at wedding ring reveal. Wala ring wedding entourage reveal at walang food tasting at mula nang i-announce na sila’y ikakasal, wala nang balita.

Anyway, masaya ang friends at fans ni Erich sa bagong buhay na kanyang tatahakin. Hindi naman siguro siya patitigiling mag-showbiz ng kanyang husband at mapapanood pa rin siya ng kanyang fans.

Rabiya, nakipagbardagulan sa bashers

Nagulat siguro ang basher ni Rabiya Mateo dahil sumagot ang Kapuso actress sa mga pamba-bash sa kanya. Lumaban ng bardagulan si Rabiya sa TikTok account nito kung saan, nag-post siya ng throwback video na kuha noong training niya bago ang Miss Universe pageant last year sa Florida.

Makikita sa video si Rabiya suot ang two-piece red bikini at sabi nito, “na-miss ko din maglakad na parang mababale na ‘yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?”

May mga pumuri kay Rabiya at may bashers din naman na sinagot ni Rabiya. May nag-comment ng “Top 21” na ang tinukoy ang place ni Rabiya sa pageant na sinagot ni Rabiya ng “At least di binabayaran”  at humirit pa ang basher ng “Talunan” na sinagot ni Rabiya ng “Bayaran! Hahahaha.”

May nag-comment pa ng “No. You had your turn, you flopped already” na sinagot ni Rabiya ng “Happy to have the experience. Who hurt you? Continue to hide in the dummy account. Karma has its way to find you hahaha Lagot ka! Dapat ka matakot!”

Comment pa ng isa, “Naku Rabiya, medyo di ko bet rampa mo” at ang sagot ni Rabiya ay “Same. Di din kita bet po. Hahahah! Bakit ka ba nandito? Hahaha.” Sa nag-suggest na tumigil si Rabiya sa pagrampa at um-acting na lang daw siya, ang sagot ni Rabiya, “Wag kasi pentel pen gamitin mo magkilay hahaha turuan kita hahaha.”

Ang pinakamatapang na sagot ni Rabiya sa basher ay ang nag-comment na talo naman siya. Sagot ni Rabiya, “Hahaha talo nga pero ganito naman po yung face ko, panalo pa din. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya nyo, nako forever talo talaga ako nyan hahaha.”

Deleted na ang comments/sagot ni Rabiya sa kanyang bashers, pero marami ang nakapag-screenshots.

At least, nalamang palaban si Rabiya, bagay sa role niya sa Agimat ng Agila sa GMA 7 na matapang at palabang agent.

Richard, may pa-150 red roses kay Sarah

Muli na namang pinatunayan ni Richard Gutierrez ang pagmamahal niya sa asawang si Sarah Lahbati nang padalhan niya ng 150 red roses si Sarah. Malalaki ang roses, Ecuadorian yata at mamahalin tiyak!

Pinost ni Sarah ang bouquet ng 150 red roses at  sabi, “before heading to work today, i was surprised by my love @richardgutz with 150 roses. Thank you for always making me feel loved, for making me feel special & for treating me like a queen. Je t’aime, my king!!!”

Napa-comment ang hipag ni Sarah na si Ruffa Gutierrez ng “Sweett” at ang iba, pinusuan ang post ni Sarah. May mga nainggit at sana raw, kasing sweet at galante ni Richard ang kanilang partner.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with