^

Pang Movies

Tessie, balik-Pinas para ayusin ang mana

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Tessie, balik-Pinas para ayusin ang mana

Nasa Pilipinas ngayon ang writer, host, stand-up comedienne at veteran actress na si Tessie Tomas for a month-long stay para asikasuhin ang kanilang properties sa Catbalogan, Samar na naiwan ng kanyang parents.

Unknown to many, Waray ang namayapang ama ni Tessie and his younger siblings at taga-Pangasinan naman ang kanyang yumaong ina, ang veteran radio talent-director at actress na si Laura Hermosa. 

Sandaling nag-showbiz ang kanyang younger brother na si Leo Hermosa habang naging member naman ng dating Black Opi­nion Band ang namayapa na rin niyang brother na si Cesar Hermosa.

May two younger brothers na rin siyang nawala na ang isa ay nung nakaraang July 2021 lamang, almost four months apart sa pagyao ng kanyang inang si Mama Laura nung March 2021.

Taong 2018 nang mag-relocate sa Isle of Man (IOM) si Tessie at British husband niyang si Rogger Pullin na isang Marine Biologist na mahigit 30 years na-assign sa Pilipinas kung saan sila nagkakilala at nagpakasal in 1994.

Kung noon ay priority ni Tessie ang kanyang showbiz career, ngayon naman ay mas pinapahalagahan na niya ang kanyang husband na naging very supportive rin sa kanya for so many years. Ang Isle of Man ay three times as big as Boracay sa Pilipinas. Isa itong 32-mile diamond-shaped island sa pagitan ng Dublin in Ireland at Liverpool (hometown ng Beatles) in England. There are only 80,000 population sa nasabing isla kung saan may 1,500 Filipinos na ang karamihan sa kanila ay nurses at caregivers habang ang iba ay asawa na ng mga tagaroon.

Thankful si Tessie na marami-rami na rin siyang Filipino friends doon kaya naiibsan ang kanyang pangungulila sa Pilipinas.

Inamin sa amin ni Tessie na nakaranas din umano siya roon ng depression pero ito’y kanyang nalabanan by keeping herself busy with so many things at kasama na rito ang pagsusulat para sa kanyang autobiography book, pagba-vlog at TikTok at iba pang activities.

Mister ni Glaiza, enjoy sa mga ganap sa showbiz

Kahit ikinasal na sa Ireland last Oct. 12, 2021 ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro (34) sa kanyang Irish businessman fiancé na si David Rainey, hindi pa this year mangyayari ang kanilang Christian wedding sa Pilipinas kundi early next year pa.

Kung wala ang pamilya ni Glaiza sa kanilang wedding in Ireland, inaasahang makukumpleto ang kanilang respective families sa kanilang beach wedding sa bansa kung saan magkakaroon din sila ng palitan ng wedding ring na hindi rin nangyari sa Ireland.

Sina Glaiza at David ay nagkakilala in Siargao in 2018 kung saan naroon ang singer-actress with her friends for her belated birthday celebration habang si David ay first vacation trip sa isla.

The couple got engaged in Ireland nung December 2020.

Natutuwa ang Kapuso singer-actress dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang career. Sa halip na i-give up niya ang career sa Pilipinas, magbubukas sila ng coffee shop in Baler, Quezon kung saan may resort house si Glaiza. Pero paminsan-minsan ay kailangan din nilang mag-travel patungong Ireland to visit David’s family.

Kasalukuyang nasa bansa ang mister ni Glaiza at unti-unti na rin itong nai-expose sa mundong ginagalawan ng kanyang misis.

Ang recent Film Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang kauna-unahang major showbiz event na dinaluhan ni David. Nasakama rin siya ni Glaiza sa Baguio City para sa isang celebrity sports event and it seems na nag-i-enjoy ang mister ng Kapuso singer-actress dahil marami siyang nakikilalang Filipino celebrities.

vuukle comment

TESSIE TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with