^

Pang Movies

Paolo, ayaw nang mag-comment tungkol kay LJ!

Gorgy Rula - Pang-masa
Paolo, ayaw nang mag-comment tungkol kay LJ!

MANILA, Philippines — “Hay!” na lang ang sinagot ni Paolo Contis nang hiningan ko siya ng reaksyon tungkol sa huling vlog ni LJ Reyes.

Ayaw na niyang magbigay pa ng ano mang pahayag ‘pag may kaugnayan kay LJ at sa kanilang anak.

Nitong mga nakaraang araw ay napag-usapan si LJ at ang mga anak niyang sina Aki at Summer dahil sa huling interview kay Paulo Avelino na balak niyang dalawin si Aki sa New York pagkatapos ng concert nila nina Ogie Alcasid, kasama si Janine Gutierrez, ang OA sa Love in the USA.

Natanong kasi namin si Paolo kung may balak din ba siyang dalawin si Summer.

Ayaw na lang muna magsalita ng Kapuso actor kung ano ang balak niya, na kung maaari lang ayaw na muna niya itong pag-usapan.

Pagkatapos itong nasulat, saka naman nag-vlog uli si LJ para sagutin na ang madalas na natatanong sa kanya.

Sabi nga niya, sasagutin niya ang ‘most heard and received’ question sa kanya; ang “kumusta ka?”

After six months, ipinost ni LJ sa kanyang vlog ang pag-alis nila ng Pilipinas na nasa eroplano sila, hanggang sa pag-celebrate nila ng Thanksgiving Day.

Nakakatuwa sa vlog na ‘yun ang pangangantiyaw ni Summer kay LJ na iiyak na naman daw ito.

Dahil sa sini-celebrate nila ang Thanksgiving Day, tinanong ni LJ si Summer ng, “who are you thankful for?” ang bilis ng sagot ng bagets ng “Mommy” na kinikilig naman ang aktres sa sagot ng kanyang anak.

Sabi ni LJ kay Summer; “I’m thankful for you and Aki.” “Yeah! And then you’ll gonna cry again. Like me. Oh my goodness!” hirit sa kanya ni Summer.

Nakakatuwa si Summer na kuhang-kuha ang pagkakomedyante kay Paolo.

Kaya, napapa-“Hay!” na lang si Paolo nang kinuwento namin ito sa kanya.

Sa huling vlog na ‘yun ay ang mensahe ni LJ sa kanyang dalawang anak na; “Kaya ko, dahil kayo ang lakas ko.”

Ang walong minutong vlog ni LJ ay may 168K views na at mahigit 9K likes.

Mariel, naadik sa live selling

Nakatuwaang i-TikTok ng ibang netizens ang live selling ni Mariel Rodriguez-Padilla. Nakakaaliw siyang panoorin! Na pati pala ang asawa niyang si Robin Padilla ay nakatutok din minsan sa online selling niya.

Ang daming natawa at aliw-aliw sa isang bahagi ng live selling niya na meron siyang binebentang bagong Burberry na belt bag.

Minumuwestra niya ito kung paano gamitin o isuot. Kaya lang, hindi aabot sa beywang niya dahil hindi magkasya. Ang unang suot niya sa bag, hanggang leeg lang niya. “Ay hindi siya belt bag, neck bag na lang siya,” bulalas ng misis ni Binoe.

In-adjust niya ang bag, para magkasya. Hanggang sa naibaba naman niya, pero umabot lang sa dibdib niya, na naging ‘boob bag’ na lang daw niya.

Pero sa kaa-adjust niya sa belt bag, napagkasya niya na umabot naman sa beywang.

Sa totoo lang, ang daming celebrities ang natutuwa sa pagbebenta online.

Malaki na ang kinikita ng iba, lalo na kapag kilala ang artistang nagbebenta, nakakapagpresyo sila ng maganda.

May isang TV personality nga na kinarir na rin ang pag-o-online selling, naloka ang isang kaibigang alahera sa sobrang laki raw ng ipinatong sa mga alahas na ibinebenta.

Nakakagulat daw na meron pa ring bumibili kahit super daw ang patong sa original price.

Siyempre, kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with