^

Pang Movies

Mayor Richard, ayaw manira ng kapwa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mayor Richard, ayaw manira ng kapwa

Madadagdagan na naman nito ang mananawagang i-cancel si Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil sa IG story post nitong maraming pulang sibuyas at may caption na “Kalma lang Sibuyas Yan” na ang tinukoy ay ang isyung red onions na pinalalabas daw na maraming tao na dumadalo sa campaign sortie nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

May IG story post pa si Goma ng mara­ming bawang na ang caption naman ay “Ohhh, Bawang lang yan” at nag-post din ng poster nina Bongbong Marcos at Sara Duterte na may caption na “Mangangampanya pero di maninira ng kapwa.”

Una nang ipinanawagang i-cancel sina Goma at asawang si Congw. Lucy Torres-Gomez nang magpahayag ng suporta kay Bongbong. Na-bash ang mag-asawa, pero hindi sila nag-react. Saka, based sa latest Congressional survey, hindi apektado ang kandidatura ni Goma dahil mas mataas ang ratings niya sa kalabang tumatakbong congressman sa distrito nila sa Leyte.

Derrick, Ex ang Miss Eco

 Tama ba kaming ex-GF ni Derrick Monasterio si Kathleen Paton, ang second Filipina na nanalong Miss Eco International 2022? Parang nabasa namin ang tungkol dito at pahapyaw na nabanggit ni Derrick, kaya lang, nag-break din agad sila.

Hindi kaya nagsisisi si Derrick dahil beauty queen na ang kanyang ex?

Speaking of Derrick, isa siya sa 13 Kapuso stars na katuwang ng GMA News and Public Affairs sa matapat at patas na botohan. Kabilang pa sa 13 na kasama sa advocacy sa malinis na eleksyon 2022 sina Barbie Forteza, Bianca Umali, Thea Tolentino, Ken Chan, Rita Daniela, Aicelle Santos, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Andrea Torres, Rhian Ramos, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro.

Hindi nabanggit kung ano ang mga gagawin ng 13 Kapuso stars bilang kasama sa nasabing advocacy. Iikot ba sila sa buong bansa, maggi-guest sa shows ng GMA 7 o dadalo sa mga miting at forums?

Still on Derrick, wala pang balita sa next teleserye niya after Legal Wives, pero may gagawin itong pelikula sa Regal Entertainment kapareha si Alexa Miro na malapit na ang shooting.

KC, balik-acting?!

Balik-showbiz na yata si KC Concepcion dahil sa IG story post nito na may hawak na script at ang caption ay “I miss this.” Hindi malinaw kung acting project o hosting ang gagawin ni KC dahil wala pa siyang sinabi, pero masaya na ang fans nito na matagal na siyang hinihintay na mag-active sa showbiz.

Mas sasaya ang fans kung series o kahit guesting sa isa sa mga show ng ABS-CBN ang gagawin niya dahil comment ng iba, nakalimutan na nilang umakting ang dalaga. Siguro, in a few weeks, may linaw na kung para saan ang script na hawak ni KC.

Samantala, tinatanong pa rin si KC kung sasama sa kampanya ni Sen. Kiko Pangilinan at in-expect ng netizens na makakasama ni KC ang mom niyang si Sharon Cuneta, masaya raw sana ‘yun kapag nangyari.

Heart, nasita na naman ni Gov. Chiz

Aliw talaga si Sorsogon Gov. Chiz Escudero, sa video na pinost ni Heart Evangelista na habang kumakain sila, tinanong ni Chiz si Heart ng “bago ba ‘yan?” Dahil putol o sinadyang putulin ni Heart ang pinost sa kanyang Instagram, hindi malinaw kung anong gamit ang tinanong ni Chiz.

Pero, nakatingin ito sa braso ni Heart, malamang bracelet o kaya’y relo ang tinatanong at dinig na dinig din ang comment ni Heart na “Ay, nasita.”

Nalaman din sa video na Saturday ang cheat day ni Heart, kaya marami siyang kinakain at hindi nagbibilang ng calories. Dahil kumain siya ng ensaymada ng Red Ribbon, tiyak na may mga bibili rin nito at dahil kumain sila sa Wildflour, marami ang gustong kumain din sa nasabing resto at tinanong na nga kung saang branch sila kumain.

Anyway, ang bilis dumami ng followers ni Heart sa IG, noong isang araw lang, masaya niyang isine­lebrayt ang 10M followers niya, ang latest, 10.1M na at patuloy na nadadagdagan.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with