^

Pang Movies

Career ni Elmo, mabagal ang usad  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Career ni Elmo, mabagal ang usad           

Aywan, pero matagal na rin namang pumasok sa show business si Elmo Magalona, at noong una ay binigyan naman siya ng break ng GMA 7. Naniwala silang puwedeng matinee idol si Elmo kaya nga itinambal agad nila sa kanilang protégé na si Julie Anne San Jose, pero hindi nga umangat agad, kaya noong lumipat siya sa ABS-CBN, ok lang sa dati niyang network kaysa sa mag-isip pa sila kung anong ipagagawa sa kanya.

Noong lumipat naman siya sa ABS-CBN, binigyan din naman siya ng break, pero mukhang mabagal talaga ang dating, hanggang sa masara na nga ang ABS-CBN.

Pero hindi pa rin zinero si Elmo. Hindi man nila mabigyan ng proyekto, ipinahiram naman siya sa ibang networks, pero siyempre ang nakakahiram na mga network ay iyong mas maliliit, kaya ang chances na sumikat si Elmo ay mas mababa.

Nakakalungkot isipin pero baka ang batang iyan ay hindi man lang umabot sa kalahati ng naging popularidad ng tatay niyang si Francis Magalona.

Rey, binawi ang kinalat na fake news

Malungkot ang mga Marites, dahil lumalabas ngayon na hindi totoo ang unang kumalat na sinabi ni Rey “PJ” Abellana na si Tom Rodriguez ay nakipag-one night stand daw kaya hiniwalayan ng kanyang anak na si Carla. Alam naman kasi ninyo kung minsan, hindi iniintinding mabuti ang statement, basta kung ano ang marinig nilang kontro­bersiyal iyon na ang “headline” na para ka na ring nagkakalat ng fake news.

Ngayon, nilinaw ni Rey na “nagkaroon ng ganoong tsismis na nakarating kay Carla,” pero wala rin siyang sinabi kung naniwala ba si Carla sa tsismis o hindi. Nagbigay siya ng comment na karaniwan na lang iyon sa isang lalaki at hindi isang malaking issue.

Pero ang sinabi ni Rey, nagkausap sila ni Tom, nagsabi iyong gusto niyang magkasundo sila ng kanyang asawa dahil mahal niya iyon, at nilinaw niya sa kanyang biyenan na hindi totoo ang tsismis na one night stand. Sa tono ng salita ni Rey, pinaniwalaan niya ang paliwanag ni Tom.

Nagsabi pa si Rey na kung siya ang tatanungin, dapat nga ay mag-usap na agad sina Tom at Carla at ayusin ang kanilang problema agad. Hindi naniniwala si Rey na ang hiwalayan ang solusyon sa problema ng mag-asawa, bagama’t siya ay hiwalay rin sa nanay ni Carla na si Rea Reyes.

Siguro nga lang wala siyang nakikitang sapat na dahilan para ang kanyang anak ay makipaghiwalay. Isipin mo nga naman pitong taon silang magsyota tapos ilang buwan pa lang, hiwalay na.

Tama si Rey, hindi solusyon ang hiwalayan. Iyang mga nagsusulong ng hiwalayan o nagsusulong ng divorce, iyan ang mga taong hindi sigurado sa kanilang sarili. Kung sigurado sila talaga, at minahal nila ang isa’t isa, hindi madali ang makipaghiwalay.

Kung magiging madali ang paghihiwalay, aba eh may problema talaga ang pagsasama sa simula pa lang. Hindi talaga sila in love noon. At siyempre ang lalabas, kung sino ang nakipaghiwalay, iyon ang may problema.

Kasi kung in love ka sa isang tao, hindi lang ang mabubuting traits ang makikita mo. Matututuhan mo rin siyang mahalin in spite of his imperfections.

Female star, nag-expect ng award

Kuwento sa amin ng isang fotog, nasa studio raw siya ng isang TV show noon kung saan nagte-taping ang isang female star. Tuwing may break, nagtatanong daw ang female star kung ano ang progress sa isang idinadaos na awards night. Noong malaman daw ng female star na natalo siyang best actress, nag-iiyak na iyon.

Nagsimula na rin ng litanya na kesyo kung ano mang proyekto ng award giving body at lumapit sa kanya nagbibigay siya ng suporta. Basta may mga miyembro naman daw na nagkakasakit, nagbibigay siya ng tulong, kaya bakit pa siya ipinatalo?

Pero Miss Star, hindi batayan ang “kabaitan (sic) at pagbibigay ng tulong” para manalo kang best actress. Kahit magaling ka pa sa tingin mo, kung sa tingin nila ay may mas magaling pa kaysa sa iyo, matatalo ka pa rin. Ang utang na loob ay hindi basehan para sabihin ng mga taong magaling ka nga. Kailangan ipakita mo ang husay mo.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with