^

Pang Movies

Jillian, nangongolekta ng luxury cars

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jillian, nangongolekta ng luxury cars

Kahit kasi-seventeen years old pa lamang ng Kapuso teen star na si Jillian Ward (Jhyllianne Warde Penzon) last Feb. 23 nakikita na sa kanya ang pagkahilig sa expensive cars. Bukod sa kanyang van na ginagamit sa kanyang tapings, bumili ang teen star ng dalawang mamahaling sports cars sa loob lamang ng apat na buwang pagitan. Una siyang bumili ng BMW na sinundan ng Porche recently.

Ang Mommy Jenny ni Jillian ang may hawak ng finances ng anak na may dalawang account. Ang isa umano rito ay hindi nagagalaw.

Bukod sa mga mamahaling sasakyan, si Jillian ay nakapagpatayo rin ng isang two-storey house in Quezon City kung saan sila ngayon nakatira.

Si Jillian ay nagsimula bilang child star sa bakuran ng Kapuso Network.

KD, binigyan ng promise ring si Alexa

Hindi man aminin ng bagong young loveteam ng ABS-CBN, ang ex-PBB housemates na sina Alexa Ilacad at KD Estrada that there is something special going on between them, obvious ito sa kanilang gestures.

Ang Cartier ring na suot-suot ni KD na regalo sa kanya ng kanyang mommy when he was 15 ay ibinigay niya kay Alexa as his ‘promise ring’ gift sa dalaga. Ito’y hiwalay pa sa Cartier necklace na gift din ni KD sa ika-22nd birthday ng singer-actress last Feb. 26.

Kung walang special na ugnayan sa pagitan nina Alexa at KD, hindi naman siguro basta-bastang mag­reregalo ang young singer-actor ng mamahaling alahas sa dalaga.

Sa darating na May 3 ay ika-20th birthday ni KD, ano naman kaya ang regalo sa kanya ni Alexa?

Ang pagkakaibigan nina Alexa at KD ay nabuo sa loob ng PBB house na kanilang ipinagpatuloy nang pareho silang lumabas sa bahay ni Kuya last December 2021. Music ang common interest ng dalawa.

James at Nancy, may pag-asang magkatuluyan

Hindi man natuloy ang tambalan sa isang TV project sina James Reid at ang American-Korean na si Nancy McDonie ng K-Pop group na Momoland, hindi naman inaasahang magkikita ang dalawa sa Los Angeles, California, USA kung saan naroon ngayon ang Filipino-Australian singer-actor and record producer for a collaboration recording with GOT7’s JayB and rapper OZi. Nakitang magkasama sila Nancy with their respective friends ni James sa magkaibang okasyon in LA kaya hindi malayong matuloy pa rin ang kanyang aborted TV series na The Soulmate Project. At kung hindi man ito natuloy, naging magkaibigan ang dalawa.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with