^

Pang Movies

Singer, nagpapaka-busy para makaiwas sa libreng kampanya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Singer, nagpapaka-busy para makaiwas sa libreng kampanya

Super ngarag na ang hitsura ng mga kumakandidato sa national position.

Pagod na pagod na sila sa kakaikot sa iba’t ibang probinsya.

Hindi madali ang mag-ikot ngayon dahil ingat pa rin ang iba na mahawa ng COVID kahit parang ordinaryong sakit na lang ito.

Bawal pa ring magkasakit.

Lalo pa ngayon na hindi mo na alam kung sino ang unvaccinated sa rami ng mga tao sa rally.

At may mga establishment na rin na hindi na hinahanap ang vaccination card at hindi nagtse-check ng temperature.

But anyway, ilang linggo na lang at election na at malalaman na ang kapalaran ng ating bayan.

 Active ang ‘showbiz’ sa kampanya, pero marami ring umiiwas dahil sa personal choice nila.

Tulad ng isang singer na malapit sa isang kumakandidato sa national position pero hindi naman siya puwedeng lumantad para ikampanya ito dahil iba ang gusto niyang iboto.

So ang ginagawa na lang daw ni singer, post nang post ng mga ginagawa niya para malaman nilang busy siya at ayaw makisali sa kampanya lalo na nga at sila pa raw ang malamang na gumastos if ever na sumama sila at umakyat sa stage na ginawa na raw niya noong nakaraang eleksyon.

Hipon Girl, mabilis napansin dahil kay Willie

Sosyal ang social media personality and comedienne na si Herlene Budol. May very first starring role siya sa digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask. Popularly known as Hipon Girl, natural ang kakikayan ni Hipon Girl at nakatulong ang na­ging regular exposure niya sa Wowowin para mabilis mapansin. Now she takes on a lead role in Puregold Channel’s second digital series, Ang Babae sa Likod ng Face Mask.

Kuwento ito ng isang 25-anyos na cashier na si Malta na nagsusumikap para suportahan ang kanyang ina, si Madam Baby, na ginagampanan ni Mickey Ferriols. Isang araw sa trabaho, nakilala ni Malta ang guwapo ngunit brokenhearted na na si Sieg, na ginampanan ni Kit Thompson.

Love at first sight ito para kay Sieg, na natulala sa mga mata ni Malta.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with