^

Pang Movies

Kuya Kim pleasant, mga star na mayabang at topakin ‘di na uso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kuya Kim pleasant, mga star na mayabang at topakin �di na uso

Bongga talaga si Kim Atienza. Ang taas-taas ng rating ng show niya na Dapat Alam Mo! sa GMA.

Talagang enjoy ang nanonood dahil maraming natututuhan. Saka napaka-pleasant ni Kim sa TV kaya naman meron siyang captive audience.

Talagang panahon na ngayon ng mga professional, mga star na walang yabang sa katawan, mga tao na masarap kasama sa trabaho. Hindi na uso ‘yung stars na may topak o sumpong, may mga mood, wala na iyon ngayon. Kaya naman nakita ninyo, ang lakas ng dating ni Kim kasi nga feel ng tao na mabait siyang kasama kaya suportado nila ang projects nito.

Congrats, Kim, tulad ng father mo na si Cong. Lito Atienza na may isang salita at solid makisama, pareho kayong successful dahil mabuti kayong tao.

Mga celeb, damay sa intriga ng pulitika

Pati ang mga artista nadadamay sa pulitika. ‘Pag kampi ka kay BBM, sasabihin binayaran ka ni Bongbong Marcos, ‘pag nakita kang naka-pink, sasabihin Leni Robredo ka. ‘Pag kay Ping Lacson ka sasabihin siguro may kaso ka, takot ka kaya kampi ka sa militar.

Si Manny Pacquiao, inasahan ‘yung mga artistang dating malapit sa kanya pero parang napunta na sa ibang kandidato. Kaya naman kung minsan may mga nag-aaway-away pa, dahil nga heto at kampihan na.

Medyo matumal man, iba pa rin ang dating ‘pag may kasamang artista ‘yung lumilibot lalo na sa probinsiya. Kaya ang iba may pumapasok pa ring raket hindi na nga lang ganun katindi na tulad ng dati.

Ngayon medyo iilan na lang ang nakukuha para sa kampanya.

Nakaka-miss din dahil dati nga malilibot mo ang buong Pilipinas sa pagsama sa mga campaign ng kandidato na sinusuportahan mo. Pero tandaan natin, mahalaga pa rin na kilala natin ang iboboto natin, six years na magiging leader natin ang mga iyan, kaya tiyakin natin na maging maganda naman ang ating six years.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with