^

Pang Movies

John Lloyd, inaabangan sa buhay ng kontrobersyal na pastor

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
John Lloyd, inaabangan sa buhay ng kontrobersyal na pastor

Kung totoo ang balita na binabasa na ni John Lloyd Cruz ang storyline ng life story ni Apollo Quiboloy, bongga ang project. Alam natin na napakaraming followers ni Quiboloy, very exciting ang kanyang story kaya naman isang magandang project ito para kay John Lloyd kung sakali.

Napakahusay na artista ni John Lloyd Cruz kaya siya talaga ang bagay para sa project na ito. Exciting dahil isa itong malaking pelikula kung sakali na tiyak na magpapasigla sa showbiz. At sure na isang malaking casting ang mangyayari para rito. Bongga ang nakaisip ng project, dahil tiyak na magiging maganda ang resulta.

Mga pagkain at alahas sa social media, epektibo ang marketing

Alam mo, Salve, naloloka ako sa rami ng nakikita kong food at alahas sa Instagram ha. Ang galing nga dahil sa IG pa lang puwede ka nang pumili ng mga food na gusto mong orderin, tapos dahil sa tempting na mga alahas na nasa photo, gusto mo na tuloy bumili.

Good idea ang marketing sa social media, dahil halos lahat merong cellphone kaya naman mas madali ang maipakita mo ang mga bagay na ipinagbibili mo.

Kinatutuwaan ko nga every morning na tingnan ‘yung mga jewelry at food bukod pa sa panonood ko ng Koreanovela sa KBS channel sa umaga. Hahaha.

‘Yung mga pagkain parang ang sasarap. Talagang ito siguro ang dahilan kung bakit maraming stress eater, dahil sa pamamagitan ng telepono, puwede ka nang mag-order ng pagkain, andiyan na agad.

Ang bongga talaga ng technology.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with