^

Pang Movies

Mark, doble na ang pagiging seryoso sa buhay  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mark, doble na ang pagiging seryoso sa buhay         

Kapwa naging seryoso na sa kanilang buhay-pamilya ang dalawang winners ng StarStruck na sina Mark Herras at Mike Tan.

Bukod daw sa mas naging seryoso sila sa kanilang trabaho, mas na­ging responsable raw sila bilang ama sa kanilang mga anak.

Ayon kay Mark, simula noong magkaroon sila ng anak ng misis niyang si Nicole Donesa, ito na raw ang lagi niyang naiisip at gusto niyang paghandaan ang kinabukasan nito. Tapos na raw si Mark sa kanyang mga dating ginagawa noong binata siya. Kailangan daw ay tama lahat ng gawin niya para sa kanyang pamilya.

“Siguro masasabi ko na mas nagseryoso kami. Legit na mas nagseryoso kami this time. Kasi s’yempre, iba ’yong inspiration namin ngayon. Iba kasi ’yong dating ng mga bata. Iba ’yong bini­bigay sa aming saya. Gusto naming magtrabaho for them not just to provide but basically, maging magandang ehemplo someday for them.

“Noong dumating si Nicole at si Baby Corky, mas dumoble ang pagiging seryoso ko sa buhay. Hindi na ako bata na puwedeng gawing excuse ‘yung hindi mo alam ito o nagkamali ka. Dapat lahat ng gawin ko ay tama kasi gusto kong maging role model ng anak ko paglaki niya.”

Para naman kay Mike, na dalawa ang anak na babae, lagi raw niyang naiisip ang mga dapat na i-provide niya sa kanyang pamilya dahil ‘yun na raw ang papel niya sa tunay na buhay.

“I always need to prove myself. Kumbaga, ano ba ‘yong resumé ko? Ang resumé ko lagi ‘yong last show ko. Kung hindi maayos ang last show ko, may fear ako na pwede akong matanggalan ng trabaho or hindi ako agad makakuha ng trabaho. Kasi andu’n ‘yong fear na, ‘Kung wala ‘tong job na ‘to paano ako makakapag-provide sa family ko?’ Parang ganu’n ‘yon.

“Aside from providing, kung ano pa ’yong moral support na maibibigay ko sa mga bata, paano mo sila mapapalaki? Ang dami mo nang iisipin. Minsan gusto mong mag-relax, but you don’t have time to relax kasi ’yong pagiging parent 24/7 ’yan. Hindi s’ya humihinto. Mag-aalaga ka ng bata. Bukod sa pag-aalaga sa bata kailangan mong maging asawa doon sa asawa mo.”

Magkasama sina Mark at Mike sa inaabangan na GMA Afternoon Prime teleserye na Artikulo 247 kung saan kasama rin nila sina Kris Bernal, Benjamin Alves, at Rhian Ramos.

Victor, bibinyagan nina Kris at Rhian

First teleserye sa GMA ng model-actor na si Victor Silayan ang Artikulo 247. Siya ang lalakeng pag-aagawan nina Kris Bernal at Rhian Ramos sa naturang teleserye.

Unfortunately ay mamamatay ang character ni Victor, pero naging maganda raw ang experience niya working with GMA, lalo na raw with Kris Bernal and Rhian Ramos na may intimate scenes siya.

“Si Rhian kasi, we went to the same high school in De La Salle Zobel. I was much older than her, pero she was popular sa school namin. Kaya parang naging reunion namin itong teleserye and we were able to pull off doing those love scenes despite the fact na may mga sinusunod kaming mga safety protocols sa trabaho.

“I would like to thank Rhian for putting her trust in me and the scenes na ginawa namin. I know na it’s not easy kasi the scenes calls for us to be intimate. So may skin-to-skin contact kami at may kissing pa. Buti na lang at we are both negative sa virus during those times, kaya walang nagkasakit sa amin. And GMA really took care of us kaya it was an unforgettable experience for me.”

Dating contract star si Victor ng TV5 noong 2011 at sunud-sunod ang naging shows niya tulad ng The Sisters, Glamorosa, Third Eye at Misibis Bay. Lumipat siya ng ABS-CBN 2 noong 2015 at huli niyang teleserye bago nagsara ang network ay A Soldier’s Heart.

Looking forward daw si Victor na makagawa pa siya ng maraming shows sa GMA dahil freelancer na siya.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with