^

Pang Movies

Jericho, nag-aaral umarte sa NY

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jericho, nag-aaral umarte sa NY

Magaling ng aktor si Jericho Rosales at gustong mas gumaling pa, kaya habang nasa New York siya, nag-enroll ng acting workshop sa acting coach na si Anthony Vincent Bova. Nasa acting school ni Bova si Jericho nang mag-post ng picture at ang sabi, “Acting workshops – one of my happy places. This stoke is for everyone! Acting should be taught in schools. Anyway, i made a new friend and had a good walk.”

Dahil sa post na ito ni Jericho, may mga nag-suggest na maghanap siya ng agency na humahawak ng Asian actors at puwede rin siyang magtanong kay Lea Salonga ng agency na hahawak sa kanya. Subukan din daw ni Jericho ang Broadway dahil may talent naman siya.

Kaya lang, nasa New York din ang manager ni Jericho na si Marinez Elizalde, may ibig kayang sabihin na kasama rin ng aktor ang kanyang manager sa New York?

May Kapuso stars na nag-like sa post ni Jericho kasama si Bova, kilala siya ng Kapuso stars dahil si Bova rin ang kinuha ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center to handle acting workshops with their talents. Kung ‘di kami nagkakamali, twice pumunta ng bansa si Bova for the GMA acting workshop.

Mark, first time magpaka-‘mature’

Sa Monday, March 7, ang premiere ng bagong Afternoon Prime series ng GMA 7 na Artikulo 247 na tungkol sa repealed law under the Revised Penal Code, medyo malalim ang tema nito at kailangang sa simula pa lang ay panoorin na at subaybayan para mas maintindihan.

Nabasa namin na “the series showcases the emotional journey of a woman who bravely moves on from her past entanglement with her boss and his wife. But soon enough, her past slowly creeps in and catches up with her peaceful life.”

Sa direction ni Jorron Monroy, tampok dito sina Rhian Ramos at Kris Bernal. Malaki rin ang papel nina Mike Tan, Mark Herras at Benjamin Alves at pinaka-excited si Mark dahil sa more mature role na ginagampanan bilang si Elijah Borromeo.

Nabasa namin sa Instagram ni direk Jorron ang pasasalamat ni Mark sa kanya. “Hanggang sa muli rekdi maraming salamat po sa lahat-lahat at dahil po d’yan! One whole burger ka sakin.”

Diego at Cesar, pinusuan ng ina at mga kapatid

Ang comment ni Teresa Loyzaga na “You make me proud son. I love you,” sa post ni Diego Loyzaga na after seven years, nakipagkita siya sa ama niyang si Cesar Montano. Ang ganda ng post ni Diego tungkol sa ama at ang ganda rin ng photos na naglaro sila ng basketball, magkaakbay sila at may baby photos pa si Diego habang karga ni Cesar.

Heart emoji ang comment ni Angelina Cruz sa post ng kuya Diego niya patungkol sa dad nila at ganu’n din si Sam Cruz. Mangyayari na siguro ang wish ng netizens na makita in one picture si Diego, his sisters from Sunshine Cruz at si Cesar na magkakasama at nagba-bonding.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with