^

Pang Movies

Direktor, kinaiimbiyernahan ang pagdudunung-dunungan ng mga artista ng hawak na serye

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinag-uusapan na pala sa ilang grupo ng mga artista ang pagkairita ng magaling na aktres sa direktor ng isang teleseryeng pinagbibidahan nito.

Hindi lang daw si lead actress ang naiirita sa kanilang direktor kundi ang iba pang bahagi sa cast nitong teleserye.

Iba raw ang atake nitong si direk sa kanilang teleserye na hindi raw ma-gets ng mga artista niya.

Kaya pala napapansin namin kapag pinapanood namin itong teleseryeng ipinapalabas pa rin hanggang ngayon na parang ang over ng acting ng ilang artista.

Magagaling naman ang mga artistang involved, pero iba ang atake nila sa role na parang ang OA ng pagka-portray sa role.

‘Yun pala, ganun daw ang gustong style nitong si direk.

Nagkakaroon na raw minsan ng clash sa taping dahil ayaw daw gawin ng ilang artista ang atakeng pinapagawa sa kanila nitong si direk.

Mabait pa naman itong si lead actress ng naturang teleserye, kaya umiiwas na lang siyang makipagtalo. Pero nahahalata na raw ng ibang co-stars na naiinis na ito kapag itong si direk ang katrabaho nila.

Kaya nag-request na lang daw sila na kung puwede ‘yung second unit director na ang magdidirek sa kanila.

Mas komportable raw sila kapag ang isang direktor ang hahawak, kaya maganda ang pagkagawa sa mga eksena.

Napapag-usapan ng ilang magkakaibigang artista ang kuwentong ito at nai-share rin ng isang magaling na aktor na inireklamo raw niya minsan itong si direk sa bosses ng malaking TV network dahil sa hindi nila type ang pinapagawa sa kanila.

Feeling magaling pa naman daw umasta itong si direk, na sabi nitong magaling na aktor, hindi naman daw marunong magdirek.

Hindi na raw niya matiis, kaya ipinarating na raw niya sa bosses na ayaw na nilang idirek sila nitong direktor na naggagaling-galingan lang naman daw.

In fairness naman sa direktor na ito, may ilan naman siyang nagawang pelikula na maayos naman ang pagkakagawa, pero hindi pa rin bilib sa kanya ang ibang artista.

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with