^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn, umuwi na sa bahay nila!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis at Jennylyn, umuwi na sa bahay nila!              

Balik-bahay na muli ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Ipinaalam nila ang pagbabalik sa kanilang bahay sa pamamagitan ng vlog nilang After All.

Nag-decide silang iwanan pansamantala ang bahay nila at lumipat sa condominium unit, nang pareho silang ubuhin, na inabot ng two weeks bago sila gumaling.

“Thankful kami ni Dennis na hindi naman ito covid-19, pagkatapos naming magpa-test,” kuwento ni Jen. “Nag-decide kaming lumipat muna sa condo dahil nag-positive ang ilan sa households namin. Iniwan din namin si Jazz, kahit hindi naman siya nagkasakit, pero ang yaya niya ay nakasalamuha ang ibang members ng household. Hindi naman kami nag-worry dahil may mga nag-aalaga sa kanila.”

Wala namang problema si Dennis na sila lamang dalawa ang magkasama ni Jen sa condo. “No problem sa akin, kayang-kaya ko namang gawin ang mga household chores at pag-aalaga kay Jen. Nagpapa-deliver kami ng food, na bago ko ipasok sa loob ng bahay ay sanitized na. Hindi ko nakakalimutan ang pagpapainom sa kanya ng mga vitamins niya, alaga ko rin siya sa exercise, light exercise lang like walking, para makapagbilad siya sa araw. Pinayagan din siyang mag-swimming, kaya minsan dinala ko siya sa Splash Island at nag-swimming kami. Maganda, kasi na-practice namin ni Jen ang pagiging mag-asawa, na kami lamang dalawa. Ngayon ay babalik na kami sa bahay, after nag-test negative na ang mga kasama namin sa bahay.”

Hindi talaga tumanggap ng bagong project si Dennis after ng Legal Wives para matutukan niya ang pag-aalaga kay Jen.

Nasa 6th month na si Jen ng kanyang pregnancy at ilang months na lamang ay isisilang na niya ang kanilang baby girl ni Dennis.

Tom, iniwasang tanungin tungkol kay Carla

May bagong segment sa All-Out Sundays titled Tsismax Sakalam na parang Stop dance na may iparirinig na tugtog ang mga host at kung sino ang gumalaw sa paghinto ng music, ay tatanungin sila ng latest tsismis tungkol sa kanila. 

Last Sunday, ang mga nag-participate sa game ay sina Bea Alonzo, Jasmine Curtis-Smith, Mark Herras, Rhian Ramos, Julie Anne San Jose at Tom Rodriguez.

Maraming naghintay kung sasagutin ng mga contestant ang tanong sa kanila, pero ang hinihintay nila ay kung sasagutin ni Tom ang tanong tungkol kay Carla Abellana, kaya lamang nadismaya ang mga viewers, comment nga ng isa, “lahat ng tanong sinagot, pero bakit nang si Tom na ang sasagot, biglang nag-commercial, at hindi na ibinalik?”

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with