^

Pang Movies

Anak nina Aga at Janice, gustong ilihim kung saan ang pinagagawang bahay  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Anak nina Aga at Janice, gustong ilihim kung saan ang pinagagawang bahay             

Guess, Salve A, from whom natuto at na-inspire si Iggy Boy Muhlach mag-aral magluto and, later, maging chef and owner of his plush and noted restaurant in Tagaytay City, LUMU (from Luigi Muhlach).  From his Mom, Janice de Belen, he proudly claimed. His Dad, Aga Muhlach aniya ay magaling na tagatikim.

Malaking tulong daw kay Iggy ang asawang si Patty whom he has four children. Na mahihilig din kumain at magluto.

Taga-tikim din ng kanyang niluluto ang kambal niyang kapatid na sina Andres at Atasha, Aga and wife Charlene Gonzales children, now in their 20’s.

Both sina Andres at Atasha ay sa ibang bansa nag-aaral.

Sa kaso ni Iggy Boy, ipinagmamalaki niya at ni Patty, almost in the final stages na ang bahay na ipinagagawa nila. Ayaw nilang tuwirang sabihin ang lugar, countryside.

Janice, naturuan agad ng nanay

Of Janice, nine years old pa lamang daw siya ay mahilig na siyang magluto. It was her Mom, the late Susan de Belen, who encouraged her na matutong magluto, dahil panganay siya sa kanilang magkakapatid, at dapat may marunong sa kanilang magluto.

Well, hindi lang basta marunong magluto si Janice. She studied Culinary Art from the Center for Asian Culinary Studies.

Kaya, ang galing din niyang mag-bake.

Proof how much Janice loves the food business, kahit busy siya ulit sa showbiz, hindi niya magawang tumanggi, kapag may umu-order sa kaya ng pagkain.

Karina at Aljon natupad ang pangarap sa MMK

Well, tomorrow, February 26, watch natin, Salve A., ang bagong team-up nina Karina Bautista at Aljon Jimenez sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), titled Love Ko ‘To, directed by Raz dela Torre.

At ‘di muna sila pa-cute-cute. Sa halip, may pagka-mature pareho ang roles nila.

Sa simula pa lamang daw ng taping, they were already warned by their director (si direk Raz nga) na hindi madali ang role nila both sa episode.

Ibinahagi nina Karina at Aljon sa digital media conference ng programa kung gaano sila ka-excited at na-pressure na bumida sa MMK episode na dati pa nilang pinapangarap.

“Naalaala ko noong 2019, nagtwe-tweet pa ang fans na sana magkaroon ang KarJon ng “MMK” episode,” pag-aalala ni Aljon.

“Grateful kami sa dumarating na opportunities sa amin at gagawin namin ang best namin sa bawat project. Mahalaga rin kasi yung friendship na nabuo namin,” sabi ni Karina.

Sa episode, mapapanood si Karina bilang si Theza na lumaki sa mahirap na pamilya at tinutulungan ang inang may postpartum depression. Habang nag-aaral, nagtratrabaho rin siya bilang crew ng pisang fastfood chain kung saan nakilala niya ang mayamang binatang si John (Aljon). 

Panoorin ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

vuukle comment

JANICE DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with