^

Pang Movies

Kris, inaakusahang retokada ang labi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, inaakusahang retokada ang labi

Pinag-isipan palang nagparetoke si Kris Bernal dahil sa nag-iba raw ang hitsura sa teaser ng Artikulo 247. Ibang-iba na raw ang hitsura ni Kris, partikular ang lips ng aktres na kumapal kesa dating lips. Karamihan negative ang nabasa na­ming comments sa looks niya sa series na parang may pine-peg na hindi pa matukoy ng mga nag-react.

Hindi naman yata nagparetoke ng kanyang mukha si Kris at “overlined lips” daw ang tawag sa ginawa para mas kumapal. Naalala namin sa isang interview, nabanggit ni Kris na dahil manipis ang lips niya, lumalampas sa kanyang labi ang kanyang lipstick. Hindi lang naman si Kris ang gumagawa nito, may isa pang aktres na hindi namin pinangalanan at baka magalit sa amin ang fans nito.

And speaking of Kris, natutuwa ang fans nito na may series na uli ito sa GMA 7 at sa Afternoon Prime pa na time slot ng mga hit drama series ng aktres dati. Sana raw, bigyan uli siya ng kontrata ng network para masiguro na may kasunod pa siyang project after Artikulo 247.

Hindi pa rin malinaw kung bakit hindi siya binigyan ng kontrata ng GMA Network kahit nagre-rate ang kanyang mga show. Ayaw maniwala ng fans na ginusto ni Kris na lumipat sa ABS-CBN noong mag-expire ang kontrata niya sa GMA. Nakarating daw ‘yun sa management kaya hindi siya pinapirma ng new contract.

Jowa ni Angeline, kamukha ni Erik?!

Ang judgmental ng ibang netizens sa boyfriend ni Angeline Quinto at sa ama ng kanyang magi­ging anak. Alam at nababasa naman yata ni Angeline ang mga comment sa kanyang boyfriend na kahit marami ang nakakakilala, walang magbanggit sa kanyang pangalan.

Ang sabi lang, casino dealer siya, pero dahil hindi pa yata bukas ang mga casino ngayon, tigil muna ang trabaho niya. Nabasa rin namin na may past relationship ang guy at alam din daw ito ni Angeline. Ang importante raw, may baby na si Angeline at guwapo ang ama ng kanyang magi­ging baby.

Kahit may negative comments, mara­mi rin ang happy para kay Angeline at suportado nila ang relasyon nito sa boyfriend. Guwapo raw ang lalake, singkit at kamukha raw ni Erik Santos na na-link kay Angeline.

Roselle, ‘sinusuka’ ni Dionne

Pagkatapos i-shade si Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos at pag-introduce kay Cong. Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng UniTeam, si Roselle Nava naman ang pinuntirya ni Dionne Monsanto.

Sa kanyang Twitter post, sinulat ni Dionne ang pangalan ni Roselle at sinundan ng emoji ng face na nagsusuka. Ibig sabihin ni Dionne, nakakasuka ang ginawa ni Roselle.

Pero may nagpaalala kay Dionne na respetuhin niya ang choice ni Roselle at ‘wag pakialaman ang iboboto nito dahil hindi naman siya pinakikialaman ni Roselle. Wala raw pinagkaiba si Dionne sa diktador na idinidikta kung sino ang dapat iboto.

Solenn, nasa Milan Fashion Week

Kung si Heart Evangelista dumalo sa Paris Fashion Week, si Solenn Heussaff naman ay nasa Milan ngayon para dumalo sa Milan Fashion Week na naka-schedule ng Feb. 22 hanggang 28. Pero, hindi ito binanggit ni Solenn sa kanyang post at sinabi lang na she is on a flight.

Ang asawang si Nico Bolzico ang nag-reveal kung saan pupunta si Solenn sa kanyang post na “This week @solenn will be in Milan Fashion Week (follow her to get updates on the fashion things that happen during fashion week).”

Pero, sa kanyang latest post, sinabi na ni Solenn na nasa Milan na siya by posting “Today’s look: bronze eyes and blue liner. Time to bring those make up skills back! #MilanFashionWeek2022.”

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with