^

Pang Movies

Kim, Emil at Patricia, swak ang kombinasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kim, Emil at Patricia, swak ang kombinasyon

Malaking tulong ang mga trivia ni Kim Atienza sa programang Dapat Alam Mo sa kaalaman ng mga bata.

Ang dami mong matututuhan sa mga research na ginawa niya, no wonder mataas ang rating nito.

Maganda rin ang combination nilang tatlo nina Emil Sumangil at Patricia Tumulak. Swak na swak sila.

Narinig ko pa na talaga raw mahabang paghahanda ang ginagawa nila para sa programa kaya talagang panlaban ito sa katapat.

Mukha ngang next in line sa pagiging TV superstar si Kim dahil maganda ang feedback sa kanyang programa. Plus the fact na masarap daw katrabaho dahil very cool at team player, kaya mahal na mahal ng staff.

Liwanag ng poste...

Naku problema ng kasama namin sa bahay na si Mel ‘yung ilaw sa poste sa harap ng bahay namin. Gusto niyang magreklamo ako sa Meralco o sa QC Hall para mapalitan ang ilaw sa poste dahil madilim daw ‘pag gabi.

Ewan ko naman kung bakit feeling niya safe siya basta merong ilaw at maliwanag ang kalye. Kaya sana kung sino man ang namamahala para malagyan ng ilaw ang poste sa tapat ng bahay namin, malagyan na ito para sa katahimikan ni Mel.

O baka naman sa barangay namin.

In fairness basta trabaho iyan ni Mayor Joy Belmonte sure akong fast action iyan, kung Meralco naman, tiyak na aayusin nila dahil mabilis din ang action nila sa mga request.

Light is life, at lagi nating bigyan ng ilaw ang madilim na paligid para lumiwanag at maging masaya.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with