^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn, bike ang bonding sa mga anak!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis at Jennylyn, bike ang bonding sa mga anak!                

Enjoy ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, spending some quality time kasama ang sons nila, si Calix, 13 (son of Dennis kay Carlene Aguilar) at Jazz, 12 (son of Jennylyn kay Patrick Garcia). “Good afternoon from my boys,” ang greetings ni Jennyln as she shared the photo ng mag-aama niya sa Instagram, habang sakay sila ng bikes, somewhere in Antipolo City.

Last November 2021 nang magpakasal sina Dennis at Jennylyn, at nag-announce na rin na they will welcome their first baby, a girl, in a few months. At sa kanilang latest vlog, nag-try pala silang magbigay ng baby shower para sa baby girl nila, pero hindi na nila itinuloy dahil nga sa pandemic pa ring nararanasan natin ngayon.

Nagpasalamat ang mag-asawa habang nagbubukas sila ng gifts mula sa kanilang families and friends at sa ninangs at ninongs ng baby nila, na sa rami ng gifts ay halos napuno ang Colove Studio nila sa bahay.

First Lady, ‘di pa alam kung mae-extend

Nasa second week pa lamang ipinalalabas ang romantic-drama series na First Lady balitang marami nang nagri-request na i-extend pa raw ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na mataas ang rating.

Very positive ang comments at feedbacks ng netizens dahil daw maraming lessons silang natutunan sa story, lalo na ang pagpapakita ni Melody (Sanya) ng lakas ng loob at hindi nagpapatalo kahit inaapi-api siya ng mga kontrabida sa story.

Labis naman ang pasasalamat nina Sanya at Gabby sa televiewers at mas marami pa raw magagandang eksenang mapapanood ngayong pumasok na rin ang character ni Ingrid (Alice Dixson), the ex-girlfriend ni President Glenn Acosta (Gabby) noong nag-aaral pa sila ng law sa Amerika.

Sa ngayon ay nasa second set of lock-in taping na ang First Lady directed by LA Madridejos, at dapat ay matatapos ito by March 30, so kung mag-extend pa sila ay tuluy-tuloy pa rin ang work nila sa location nila somewhere in Rizal province.

Barbie, mami-miss ang mga katrabaho

Finale episode na ng Mano Po Legacy: The Family Fortune ngayong Friday, Feb. 25, kaya nagbahagi ang isa sa lead stars ng serye, si Barbie Forteza, na mami-miss niya ang lahat ng katrabaho niya.

“Naku, mami-miss ko lahat,” sabi ni Barbie. “Basically, the whole team  ng serye, it was such a joy working with them, lalo na yung nakasama ko ang apat na mahuhusay na actress, si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, si Ms. Maricel Laxa, si Ms. Almira Muhlach at si Ms. Sunshine Cruz, at ang mga leading men ko, sina David (Licauco) at Rob Gomez.  Definitely, I’m gonna miss everyone.”

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with