^

Pang Movies

Erich at Mateo, parang sina Nanette at Chris!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Erich at Mateo, parang sina Nanette at Chris!

Wow talaga ang reaction ng marami sa nalalapit na wedding ni Erich Gonzales sa non-showbiz boyfriend niyang si Mateo Lorenzo.

Dahil nga siguro sa social status ng groom kaya inggit na inggit ang marami.

Pero matagal na rin daw ang pagiging BF/GF ng dalawa kaya parang ok lang naman na ikasal na sila.

Siguro nga nakita ni Mateo na karapat-dapat si Erich para sa kanya, plus sa totoo lang never naman nasali sa anumang matinding intriga si Erich sa showbiz.

Hindi naman kataka-taka dahil hanggang ngayon maganda pa rin ang relasyon nila Nanette Medved at Chris Po, kahit noong una ay naging question din ang social status ng dalawa.

Nasa mag-asawa ang magiging buhay ng relasyon nila, nasa partnership nila kaya hindi dapat maging problema kung galing sa showbiz ang isa.

Kahit pa nga mataas na pamilya galing iyon partner mo, ang pagsasama pa rin ninyo ang importante. Hindi kasi matanggap ng iba na puwede rin maging isang mabuting housewife and partner ang isang taga showbiz.

Suwerte si Erich pero masasabi mo rin suwerte si Mateo. Kaya wow na wow talaga.

Take It... tatlong taon na

Dahil anniversary natin sa Take it…Per Minute, Me Ganun!? Salve, nabuhay si Jaja ng Happy Boink. Nag promise siya na magdadala ng food para sa atin. Para tuloy na excite ako bigla dahil marami pala ang happy na inabot ng ganito katagal iyon TIPMMG namin nila Cristy Fermin at Mr. Fu.

Imagine hindi namin naramdaman three years na pala iyon every tuesday 12/1 natin pagkikita-kita na napapanood sa Pilipino Star NGAYON digital platforms.

Talagang dahil nag enjoy tayo kaya parang hindi trabaho kundi kuwentuhan session lang ang ginagawa natin every Tuesday ng tanghali.

Hay naku, maraming salamat talaga kay Papa Miguel Belmonte dahil suportado niya tayo kahit pa nga kung minsan pulos kagagahan ang ginagawa namin sa show.

Thank you sa lahat ng followers namin, salamat po at huwag kayo magsawa sa panonood.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with