^

Pang Movies

Nabuking...

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., successful na sana ang pagiging sikreto at pribado ng upcoming wedding ng Kapa­milya star na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend na nagmula sa isang mayamang pamilya na si Mateo Lorenzo kung hindi lamang sa anunsyo ng simbahan ng St. James the Great Parish in Ayala, Alabang kung saan nakatakdang gana­pin ang grand wedding ng aktres sa kanyang fiancé sa darating na March 23, 2022.

Naging tradisyunal na sa mga Katolikong simbahan na ianunsyo ang mga ikakasal sa kanilang parokya sa loob ng ilang linggo bago ang nakatakdang petsa ng kasal at dahil dito ay nabuko ng ilang netizens ang nalalapit na pag-iisang-dibdib ng La Vida Lena star sa kanyang nobyo of several years.

Although mapapanatili pa rin ang pagiging pribado at katiwasayan ng seremonyas ng kasal dahil nasa isang pribado at eksklusibong subdivision ang simbahan, ang hindi lamang naitago sa publiko ay ang petsa ng kanilang kasal.

Bago naging boyfriend ni Erich si Mateo ay naging ex-boyfriend ng Kapamilya actress ang Chinese businessman na si Anthony Ng maging ang actor na sina Daniel Matsunaga at Xian Lim.

Chef Jose at Maria Ozawa, friends pa

Walang third party sa breakup ng Kapuso celebrity chef na si Jose Sarasola at ang Japanese sexy star na si Maria Ozawa na nung nakaraang December lamang nagkahiwalay ending their almost five-year relationship.

Inamin ni Chef Jose na kahit hiwalay na sila ni Maria ay nananatili umano silang magkaibigan hanggang ngayon.

Ang kanilang long-distance relationship (LDR) umano ang dahilan kung bakit sila naghiwalay and it was a mutual decision sa kanilang pagitan. Sa Japan naka-base ang sexy star habang nasa Pilipinas naman si Chef Jose. 

Dating Seiko Star at miyembro ng That’s… matagumpay na ring negosyante

Ulila nang lubos ang dating Seiko star at former member ng youth-oriented program na That’s Entertainment na si Jennifer Sevilla. Only child si Jennifer ng kanyang yumaong parents.

Nawala man agad ang parents ni Jennifer, nabiyaan naman siya ng napakabait and supportive husband (Saymour Go) at dalawang anak -Simon (13) at Mavi (9).

Dahil sa pagiging successful businessman ng husband ni Jennifer, natuto rin siyang maging isang matagumpay na negosyante dahil na rin sa tulong at suporta ng kanyang mister.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with