^

Pang Movies

Erich, ‘di naitagoang paghahanda sa kasal  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Erich, �di naitagoang paghahanda sa kasal             

Talk of the town ngayon ang diumano’y pagpapakasal ng aktres na si Erich Gonzales sa kanyang boyfriend na si Mateo Lorenzo sa March 23, 2022 sa St. James the Great Parish sa Ayala, Alabang.

May nakakita diumano sa kanilang marriage banns na naka-post sa bulletin board ng simbahan, kinunan iyon ng picture at ipinost sa social media.

Ang wedding banns ay isa sa mga requirement ng simbahan. Sa loob ng tatlong linggo ay naka-post iyan sa bulletin board ng parokya, at ini-aannounce naman sa mga misa mayor.

Ang dahilan ay para malaman kung ang mga ikakasal nga ay walang ibang pananagutan. Ang sino mang may pagtutol na makarinig o makabasa noon ay maaaring magpunta sa pari at ipahayag ang kanyang pagtutol bago ang kasal.

Kaya ang marriage banns ay classified ngang public document. Ganoon din naman ang marriage license na kinukuha sa city hall o munisipyo.

Ipino-post din iyan para malaman kung ang kumukuha nga ng marriage license ay eligible na magpakasal.

Sa salitang legal, “no impediment to marriage.” Kung foreigner naman, ang hinahanap ay CENOMAR na ang ibig sabihin ay “certificate of no marriage,” para masigurong legal ang gagawin nilang pagpapakasal.

Ang boyfriend ni Erich ay isang negosyante, ayon sa mga usapan.

Galing siya sa isang mabuting pamilya at labing isa silang magkakapatid.

Hindi rin masasabing itinatago nga nila ang kasal, pero wala silang statement tungkol sa mga bagay na iyan bago nabulgar nang may makakita nga ng marriage banns.

Pero ang naging reaksiyon naman ng fans, masaya sila. Nasa edad na rin naman si Erich. Siya ay 31 years old na. Mas bata sa kanya nang ilang taon si Mateo na ngayon daw ay 29.

Kylie, legal wife pa rin

Para kay Kylie Padilla, sinasabi nga niyang nang maghiwalay sila ni Aljur Abrenica ay the end na iyon ng kanilang istorya bilang mag-asawa.

Nagkasundo na rin sila kung papaano nila mapagtutulungan ang pagpapalaki sa kanilang dalawang anak. Hindi pa naman kumikilos si Kylie pero maliwanag na darating ang araw na magpepe­tisyon din siya ng annulment ng kasal nila ni Aljur.

Kahit na noon pa, wala nang reaksyon si Kylie sa pictures, video at sinasabing panliligaw ni Aljur kay AJ Raval. Hindi na siya interesado.

Ang mukhang nananatiling nanggigigil ay ang fans na hindi matanggap na nariyan na si AJ.

May nag-post pa ng picture ni Kylie na ang caption ay “Legal” at marami rin ang nag-share noon.

Mukhang tanggap naman ni AJ na siya ay mananatiling girlfriend lang ni Aljur kahit na magkaanak pa silang dalawa hanggang hindi nakakakuha ng annulment sa kasal nina Kylie at Aljur na mukha ngang matatagalan pa iyan.

Pero kung ok lang naman sa kanya kahit na hindi legal, walang problema iyon.

In the first place, sigurado na ba siyang panghabambuhay na iyan?

Joven ng PGT, nasakote uli

Nahuli sa isang buy bust operations ni Joven Olvido, isa sa mga runner-up winner sa Pilipinas Got Talent noong 2018.

Pangalawang huli na niya ito, ibig sabihin mukha talagang involved na siya sa ganoong trabaho.

Baka naman sabihin na naman ng mga bitter-bitteran diyan kaya nangyari iyan ay dahil ipinasara ang ABS-CBN. Sumali lang si Olvido sa Pilipinas Got Talent, hindi siya kasama sa sinasabing 11,000 diumanong empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho nang ipasara ang network.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with