^

Pang Movies

Kylie, nilinis ang pangalan ni AJ

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sa kabila ng mga kontrobersiyang kanilang pinagdaanan nung isang taon, buo pa rin ang relasyon hanggang ngayon ng magkasintahang Aljur Abrenica at AJ Raval.

Ang ex-wife mismo ni Aljur na si Kylie Padilla ang nagklaro na hindi si AJ ang naging cause ng paghihiwalay nilang mag-asawa kaya hindi guilty ang dalaga ng dating action star na si Jeric Raval sa pagiging third party sa breakup ng ex-couple.

Sina Aljur at AJ ay nagkalapit sa isa’t isa nang gawin nila ang pelikulang Nerisa with Cindy Miranda sa title role nung isang taon.

Bago si Aljur ay naging kasintahan ni AJ ang actor na si Axel Torres. Nagkahiwalay ang dalawa dahil umano sa sexy scenes na ginagawa nito sa kanyang mga pelikula lalo na ‘yung mga naging intimate scene nila ng sexy actor na si Sean de Guzman na siya umanong pinagselosan ni Axel.

Nagpapaseksi at naghuhubad man si AJ sa kanyang mga pelikula, ang kanyang puso ay nakalaan naman kay Aljur.

Sina Aljur at AJ ay nakitang magkasamaNG nag-spend ng Valentine’s day sa bagong bukas na Haiyan Resort Hotel in Tanauan, Leyte.

Heart, chanel na rin ang candle

A night bago ang kanyang actual birthday nung nakaraang Lunes, Feb. 14, Araw ng mga Puso, ay nagkaroon ng intimate birthday celebration para sa kanyang ika-37th birthday ang Kapuso singer-actress, visual artist, fashion icon at philanthropist na si Heart Evangelista sa kanilang bahay in Quezon City na dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan. Siyempre, naroon din ang kanyang mister, ang senatoriable at gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

Black and white ang naging tema ng kanyang pre-birthday celebration at suot niya ang black-and-white dress na gawa para sa kanya ng kanyang kaibigang fashion designer na si Mark Bumgarner. Lahat ng dumalong bisita ay may touch ng black-and-white ang suot.

Ginamit naman ni Heart ang Chanel birthday candle sa isang local cake na bitbit ng kanyang mister na si Chiz.

Hindi naman nagpabaya ang husband ni Heart na si Chiz sa pagbati sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Instagram.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with