^

Pang Movies

Kuya Kim, tanggap na kapalit ni Willie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kuya Kim, tanggap na kapalit ni Willie

Inakala mo bang kahit sandali lang, Salve, na hindi mo mapapanood sa TV si Willie Revillame. Iyon bang parang bigla, wala na ang programa niya nang hindi mo napapansin. Kasi nga, nagulat ako nang nakita ko na pinapanood na ni Mel na kasama ko sa bahay ay si Kim Atienza sa dating oras ni Willie.

At parang Tutok to Win din dahil namimigay ng premyo si Kim sa nanonood na makakasagot ng tama sa tanong niya.

Wala lang, parang hindi naman hinanap ng tao si Willie o ang programa, tinanggap nila nang buong puso ang ipinalit dito. Talagang hindi mo mahawakan kung ano ang gusto ng viewers, ‘pag nandiyan ok sa kanila, ‘pag nawala hindi nila hinahanap. ‘Yung katotohanang lahat puwedeng palitan, hindi magiging kawalan para sa network. Kahit ultra mega superstar ka, you go, you go.

Hindi puwedeng magmalaki, hindi malaking bagay. Meron at merong puwedeng ipalit, baka nga mas sumikat pa at maging mas mataas kesa umalis o inalis.

Sad pero reality ng buhay. Kaya dapat laging nakaapak sa lupa, huwag lagyan ng hangin ang ulo. Maging matalino para hindi nawawalan.

Kath Pimentel, maganda ang plataporma

Sayang at hindi ako naka-attend ng pocket interview ni partylist candidate Kath Pimentel at bro niyang si Joseph. May nagsabi sa akin na napakabait at masarap kausap ni Kath, at napakaganda ng inilatag na plataporma nito para sa PDP Cares Partylist.

Maganda rin ang mga gustong gawin ng partylist nila kung saan siya ang 1st nominee. Sayang nga at hindi ako naka-attend ng presscon na sana ay lalo ko pang nalaman kung anu-ano ang mga pagtulong na ibibigay nila sakaling manalo.

Hindi bale, tiyak naman na may next invitation pa siya para sa showbiz writers kaya titiyakin ko na nandu’n ako kasama sina Salve at Gorgy. At sana matikman ko rin ang chocolates na talagang masarap daw sabi ni Ian ng Flourgasm cakes, bongga.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with