^

Pang Movies

Mga kaibigang nakaalala sa araw ng mga puso, nakaka-touch!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga kaibigang nakaalala sa araw ng mga puso, nakaka-touch!

Ewan ko ba pero talagang ngayon siguro doble ang saya mo ‘pag merong ipinadadala sa iyo dahil nga sa rami ng restrictions.

‘Yung maraming bawal pero hayan at naalala pa rin nila. ‘Yung ipinadala ng Villar group na mga parang Valentine gift thru Avec Amarillo, ‘yung gift ni Rhea Tan ng Beau­tederm, ‘yung time ni Cris Roque ng Kamiseta for our lunch meet, ‘yung pa-surprise ni Cong. Ronnie Ong, mga pagbati ng mga kaibigan na alam nating busy pero nakahanap ng oras para batiin tayo, sa Valentine’s Day, talagang it melts my heart.

Kaya nga kahit pa nga 75 na ako, feel ko pa rin ang glow ng day of hearts dahil sa mga nakakatuwang pangyayari sa paligid ko.

Partylist, ang dami ring tinutulungan

Ang dami talagang natuwa na mataas ang rating ni Alan Peter Cayetano sa senatorial slate. Kasi nga si Sen. Alan na kapatid ni direk Lino Cayetano para na ring taga-showbiz dahil nga ang brother niya director na ngayon ay mayor ng Taguig.

Saka in fairness talagang approachable at very friendly si Alan Peter. PR man nila si Brian Yamsuan na ngayon ay tumatakbo sa partylist na Lunas na isa rin friend ng ibang showbiz writers. Mabilis ang reaction nila sa mga humihingi ng tulong, at totoong kahit sino madali silang lapitan.

Sana ay mahalal muli si Alan Peter Cayetano as senator, at si Brian Yamsuan ay makaupo para sa partylist na Lunas na handang tumulong sa mga mahirap na maysakit at mga mag-aaral. Goodluck guys.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with