^

Pang Movies

Korina tuloy ang pagpapakulong sa mga troll

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Korina tuloy ang pagpapakulong sa mga troll

Tototohanin ni Korina Sanchez ang nabanggit noong una na ipakukulong niya ang mga troll na paborito siyang biktimahin. Nabanggit ni Korina na personal advocacy niya ang masawata ang mga “troll farm” o mga tao sa socmed na walang ginawa kundi manira ng celebrity gaya niya.

Sa interview ni Korina kay Ping Lacson, nabanggit nito ang mga troll at hinanap niya ang mga ito. Sabi ni Korina, “Nasaan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls na gumugulo at nag-iimbento ng kung ano-ano tungkol sa akin? Ay, na-block ko na pala sila. Well. Malapit na kayo mapa-NBI. You can’t keep in ruining people’s lives with what you do. Better rethink. Is it worth everything you’ve worked for that you end up in jail? Food for thought.” 

Dapat nang kabahan ang mga troll dahil sa sinabi ni Korina, parang hindi siya papayag na hindi makulong ang mga troll na ang iba ay nakasagutan pa niya sa Instagram niya.

Vin, nagiging busy sa GMA

Kasama na sa cast ng Lolong  si Vin Abrenica, hindi lang sinabi kung ano ang role niya, pero may nakita kaming larawan nito kasama sina Ruru Madrid, Marco Alcaraz, Shaira Diaz, at Mikoy Morales.

Unang napanood sa Tadhana  ng GMA 7 si Vin at ang Lolong  ang first series niya sa network.

Kapatid ni Aljur Abrenica si Vin, kaya may mga netizen na nagtatanong kung ano raw ba ang masasabi ni Aljur na kinukuha ng GMA ang kapatid niya. Eh, si Aljur, tila malabong makabalik sa GMA sa ngayon dahil idenemanda niya ang network para lang mapakawalan siya at makalipat sa ABS-CBN noon.

Ang hinihintay ng fans ni Vin ay mabigyan sila ng project na magkasama ng partner niyang si Sophie Albert na lumalabas din sa shows ng GMA.

Rita, sinagot ang pa-shade ng misis ni Yorme kay VP

Sinagot ni Rita Avila ang pangse-shade ng misis ni Manila City Mayor Isko Moreno na si Dynee Domagoso kay VP Leni Robredo. May kaugnayan ito sa sinabi ng misis ni Isko na “Internet nga hindi maayos, bansa pa kaya? Kumbaga sa class reporting, preparedness is the key  para [100] ang grade.”

Walang binanggit na pangalan si Dynee, pero nahulaan na si VP Leni ang pinasaringan dahil sa poor internet connection nang mag-guest ito sa KBP Presidential Candidates Forum.

Comment ni Rita, “Mrs D, feeling 1st Lady na? Very troll naman. Ang baduy makipag-away k VP Leni. Dumb argument. Sorry. Sa likod ng pagkatalo ni mister ay si misis. Last na yan Mrs. D.”

May hirit pa si Rita na “Parang d nagbabasa ng totoong balita. Wag ganun Mrs. D. Kawawa naman si Mr. D. Alalahanin: Sa likod ng pagkatalo  ni mister ay si misis.”

May mensahe rin si Rita sa mga hindi Kakampink na gaya niya. Para raw walang isyu, ‘wag na lang pumunta sa page niya sa Facebook at Instagram.

 “Kasi d ko naman pinag-aaksayahan puntahan ang inyo. Sasabihan nyo akong diktador at tumahimik na eh kayo ang diktador. Page ko ito. Nagtatanong kayo kung bakit nagsasara ako ng comment section? Dahil sa inyo na baseless, senseless, at evil ang comments. Kung iba ang gusto nyo, di iba ang gusto nito,” part ng message nito sa netizens.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with