^

Pang Movies

Alice, walang natipuhang pulitiko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alice, walang natipuhang pulitiko

Natanong si Alice Dixson sa mediacon ng First Lady kung being a former beauty queen, naging dream ba nilang maging First Lady?

Sagot ni Alice, may mga nanligaw sa kanyang politicians, kaso hindi niya gusto, hindi niya natipuhan, kaya wala siyang sinagot. Hindi rin daw naisip na maging First Lady. Katuwiran ni Alice, “hindi kailangang maging beauty queen at First Lady para makatulong sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong.”

Gagampanan ni Alice ang role ni Ingrid Domingo sa First Lady, ex ni President Glenn Acosta at sa asawa nitong si First Lady Melody Reyes-Acosta maghihiganti si Ingrid. Payo ni Alice, panoorin na lang kung gaano siya kasamang kontrabida kay Sanya Lopez sa rom-com series na may world premiere sa Feb. 14, after 24 Oras.

Michelle, naghahanda sa Miss U!

Kung ‘di kami nagkakamali, two to three times binanggit ni Michelle Dee sa final mediacon ng I Left My Heart in Sorsogon na may pinaghahandaan siya. Hindi siya nag-elaborate kung ano ‘yun at wala ring nakapagtanong sa press people kung anong event ang pinaghahandaan ng dalaga.

Naisip tuloy namin na baka ang nabalitang pagsali niya sa Miss Universe Philippines ang pinaghahandaan ni Michelle. This February na raw malalaman ang mga nakapasang candidate at sa April na ang coronation.

Abangan natin kung totoo nga ang tsika na isa si Michelle sa candidate ng Miss Universe Philippines pagkatapos niyang manalong 2019 Miss World Philippines.

Anyway, gaya sa ibang cast ng I Left My Heart in Sorsogon, nalulungkot si Michelle na magtatapos na ito sa Friday, Feb. 11. Mami-miss niya ang whole cast at whole production team.

“We built a beautiful friendship, it’s hard to move on from the experience and friendship. Sana, hindi ito ang last na pagsasama namin. Iba ‘pag nagkasama kayo sa bubble, iba ang level ng friendship na mabi-build up,” sabi ni Michelle.

Ginagampanan ni Michelle sa rom-com series ang role ni Hazel, ang girlfriend ni Mikoy (Paolo Contis), may pagkakontrabida ang kanyang role, pero hindi naiinis at nagagalit sa kanya ang viewers.

Cherie, binagayan ang kalbo

Ginulat ni Cherie Gil ang mga nakakita sa cover niya sa 30th anniversary edition ng Mega Magazine dahil bald siya. Naka-post ang cover ng magazine sa kanyang bagong Instagram account at may paliwanag siya kung bakit siya pumayag.

“My very first post on my new IG PAGE because... #megamagazine and me proud I didn’t think this would actually. Happen!! Being in NYC at the moment when I was asked to grace yet another Mega magazine cover. This time for their 30th anniversary edition. They organized a team to shoot all the way here. Shucks! They actually were serious! And serious WE were.

“Mega Magazine has always been close to my heart. Always had fun working on our shoots. This one, I personally think, is truly special. More so that it’s a fundraiser too for a good cause.”

Positive ang comments sa bald cover ni Cherie, may buhok man o kalbo, maganda pa rin daw ang aktres.

Pinusuan din ng maraming netizens ang kakaibang concept ng cover ni Cherie.

Lovi at Piolo, nag-moment!

May nag-comment na baka magselos si Shaina Magdayao sa post ni Lovi Poe ng behind the scene photo nila ni Piolo Pascual na kuha sa taping ng Flower of Evil. Sa larawan, nagtititigan sina Lovi at Piolo, topless si Piolo (with his bleached hair) na apron lang ang suot. Ang caption ni Lovi sa photos ay “Yung akala mo moment niyo lang pero buong barangay pala” at ang kasunod na photo, makikita ang cameramen na nakapaligid sa kanila at maraming camera.

Sinagot ni Piolo ng “@lovipoe huy uwi na...” ang caption ni Lovi. Hinihintay na ng Kapamilya fans ang Philippine adaptation ng K-drama na sina Piolo at Lovi ang mga bida. Biniro ng netizens si Lovi na genuine raw ang kilig at ramdam ng followers niya.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with